Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Marge Redelicia May 2015
ilang oras,
ilang araw, linggo, buwan,
ilang taon
na akong naglalakbay.
nakita't nadaanan ko na lahat.
dito sa masalimuot na lansangan
memoryado ko na ang mga
pasikot-sikot sa mga eskinita,
bawat lubak at hukay sa kalye,
ang mga graffiti at nangangalawang na karatula.

pero kahit kay tagal na ng lumipas na panahon
hanggang ngayon,
di ko pa rin masikmura
ang mga nakakabinging busina at humaharurot na makina
ang nakakasulasok na baho ng usok at nagkalat na basura.

sa una ako'y nangangawit
pero ngayon nangmanhid
na ang mga kamay ko
sa higpit ng kapit sa manibela na
walang sinuman ang makakaangkin dahil
ito ay s'akin lamang,
akin.

puso ko ang mapa:
lukot at punit-punit.
dito ako sunudsunuran at alipin.
kahit alam kong mali,
di ako kikibo, ako'y tahimik.
naghahanap, pero siya rin mismo nawawala.
tahanan lang naman daw ang gusto niya
kung saan lulunasan ng yakap
ang pagod at pait,
kung saan ang mga simangot
ay masusuklian ng ngiti.
pero saan?
saan kaya?


ako ang hari ng daan.
walang kinikilala na batas.
nakikipagkarera sa hangin
sige-sige sa pag-arangkada.
kung may masagasaan,
kahit siya ang duguan,
siya pa rin ang may kasalanan.

dahil paminsan
naiisip ko na baka
mas swerte pa siyang nakahandusay sa kalsada
kaysa sa akin na pagod,
naiinip, naiinis sa likod ng manibela.
malapit nang maubusan ng gasolina,
ang mga gulong ay pudpud na.
'di ko pa rin mahanap ang tahanan
kaya tumungo na lang kaya ako
sa kamatayan?

"para po"
ako'y napalingon.
oo nga pala, may pasahero ako.
inaangkas lang Kita
paminsan umuupo likod
madalas nakasabit sa may salamin
o nakalapag sa harap
kasama ng mga abubot at basura.

"ate, para po"
hindi.
inapakan ko pa ang gasolina.
nagbibingibingihan sa mga bulong Mo.
oo,
alam kong pagod na ako
pero kaya ko 'to,
hindi ko kailangan ng tulong.

"para, diyan lang sa may tabi"
hindi.
hinigpitan ko pa ang hawak sa manibela.
gusto ko lang naman makauwi.
oo,
alam kong nawawala na ako
pero sigurado ako ang ginagawa ko
siguro, sigurado
siguro.

"para"
ngayon
napagtanto ko na
ako'y sawi, ako'y mali.
papakawalan na ang pagkapit sa patalim,
ang pagtiwala sa sarili.
sa wakas
ako ay

bibitaw.

sa Iyo na ang manibela, pati na rin
itong upuan na 'to, and trono.
Ikaw na,
ang gasolina at gulong na nagpapatakbo
ang mapang nagtuturo
mula ngayon hanggang magpakailanman.
Ikaw na
ang Kapitan
ang tagapagmaneho ng buhay na 'to.
wala nang pagkuha, pagdukot, pag-angkin.
mula ngayon,
iaalay ko na ang lahat.
ako ay Iyo.

ilang oras,
ilang araw, linggo, buwan,
ilang taon
na akong naglalakbay
at tuloy pa rin ang biyahe.
ganun pa rin ang kalagayan ng kalye:
malubak, maingay, madumi.
pero kapag Ikaw ang nandyan sa upuan,
para tayong lumilipad.
anumang madaanan
biyahe ay napakabanayad.

puso ko'y nananabik.
saan Mo ako sunod dadalhin?
saan kaya makakarating?

kahit saan man mapadpad,
kahit gaano man kalayo,
'di na ako mawawala.
ako ay nakarating na.
o tahanang tinatamasa,
nahanap na rin Kita.
basta't kasama Ka,
Hesus
*ako'y nakauwi na.
A spoken word performed for Para Sa Sining's Katha: Tula X Sayaw.
JK Cabresos Nov 2012
Alam n'yo ang love, pag-ibig
o ano bang tawag n'yo d'yan,
kusang 'yang dumarating
di nga lang nagsasabi kasi wala 'tong bibig
(hayyy naku! naman oh!)

Pero ano ba kasi ang true love?
O baka kaya'y throw love na naman?
(tawa muna bago maging seryoso ang usapan)

Ito kasi yun, tama na sana! S'ya na sana!
Eh shunga-shunga ka eh!
Boy Gago! Lady Gaga! Pinakawalan mo pa.
(kaya ayun! iyak iyak na naman ang drama)

At napatanga sabay sabing
"Sayang!"
At wala ka ng magagawa
upang maibalik pa ang naudlot na love story n'yo.
(wag mo nang ipagkaila, tama ako noh?)

Nakakasawa rin naman pakinggan
ang mga hinaing n'yo!

Wala kaming hearing aid,
bespren n'yo lang kami!
(ano ba, tama na kasi! kasalanan mo rin yan!)

Puro pait at pighati na lamang ba?
Kaya ang isa sa inyo
naging PEANUT BITTER na!
(nakakasawa talaga, talagang talagang talaga!)

Kaya eto na nga'ng advice ko sa inyo...

Sabi kasi nila...

Ang love ay parang daw isang itlog...

'Pag hinigpitan mo ang hawak,
mababasag...

Pero 'pag maluwag naman,
mahuhulog lang at mababasag din...
kaya dapat tama lang...

Yung alam n'yong akma lang
sa eksena...

Kaya eto ako ngayon,
malungkot at nanggiginaw ang puso...
(hahahaist...)

Kaya bago matapos 'tong tula ko,
magtatanong muna ako...

Sino bang may gustong humawak ng itlog ko?
Manunula T Jul 2018
Isa, dalawa, tatlo,
Lahat ng jeep ay puno.
Wala ni isang nag tangkang sa 'kin ay huminto,
Itinaas ang aking kamay at inunat ang hintuturo.
Sumenyas na manong pasabit nalang po,
At sa pag arangkada ng jeep mo ngayon,
Bakit maraming mata sakin ang nakatuon?
Inuusisa ang bawat parte ng aking katauhan,
Na para bang andami-rami nilang katanungan.
Bakit sumabit kapa?
P'wede namang mag abang ka nalang sa iba,
Magmumukha ka lang diyang tanga,
Kaya boy mabuti pang bumitaw kana.
Kahit maraming tutol sa aking pagpapasiya.
Kahit ang kamay ko ay medyo dumudulas na.
Kahit pa ang bisig ko ay nangangalay na,
Hinigpitan ko pa ang kapit dahil ayoko ng mahulog pa sa iba.
Kumapit ako sa bawat salitang sinabi mo,
At inabot ko ang bayad simbolo ng pag-ibig ko.
Tama naman ang sukli, barya at bawat sentimo,
Pero bakit tila walang pasahero ang nais mag-abot nito?
Marahil hindi pa sila handa,
Na hayaan kang suklian ang salitang "mahal kita",
Pero 'wag kang mag-alala,
Dahil maghihintay ako sa panahon na kung saan lahat ay tama na.
Kung sakali mang may bumabang pasahero sa may unahan,
At magkaroon ako ng puwang sa iyong sasakyan,
Handa akong iwanan ang pagkakasabit ko sa likuran,
Para samahan kang bumiyahe dito sa mundong walang kasiguraduhan.

— The End —