Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
w Dec 2016
26
Ilang oras na akong nagsusulat
Ilang tinta at papel na ang nasayang
Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko malabas ang nais iparating ng puso
Wala akong magawa kung hindi titigan ang mga nasayang papel na nasa gilid ng aking mga kamay
Ilang ulit na akong nagpalit nang kulay ng tinta ng bolpen, nagbabakasaling kung kulay pula ang gamiting pangsulat, mawawala ang lungkot na nadarama na may mahal kang iba
Baka kung kulay dilaw ang bolpeng gagamitin mawawala ang sakit na nagpapaala-ala na hindi ako ang dahilan ng mga ngiti sa iyong labi
Baka kung kulay berde ang bolpeng gagamitin maglalaho ang mga luhang hindi maubos-ubos tuwing nakikita kitang kapiling siya
Ano pa ba ang dapat gawin?
Ilang papel pa ba ang masasayang para sayo?
Ilang kulay pa ba ng bolpen ang kailangan masayang para malaman ang nais sabihin
Hindi ko alam kung ano at paano
Ano ba ang dapat gawin para mawala ka sa isipan?
Paano ba kita bibitawan kung alam kong sa pagtawid sa kulay pula ramdam kong ako lang nakakapit?
Paano ko hihigpitan ang paghawak sa daming tumatawid sa dilaw na dahilan para bitawan ka kung alam kong malayo ka na para abutin pa
Paano kita hahanapin sa huling kulay berde kung alam kong wala na, tapos na
Wala ng dahilan para magpatuloy
Dahil alam kong hindi tamang ipagpatuloy itong bugso ng damdaming na kahit saang anggulo, hindi tama, hindi nararapat
Kaya hayaan mo kong sayangin ang mga papel, bahala na kung magalit ang kalikasan
Hayaan mo akong maubos ang lahat ng kulay ng ballpen dahil dito ko nalamang masasabi ang mga salitang dapat iparinig sayo
Wala na akong magagawa kung hindi hayaan ang panahon
Hayaan ang sariling humilom
Hindi ko alam kung gaano katagal
Pero hayaan mo, makakapagsulat ulit din ako gamit ang isang papel at kulay itim na bolpen balang araw para sa tunay na nakalaan nito
Pero sa ngayon hayaan mo lang muna akong titigan ka sa malayo habang nakatuon ang iyong mata sakanya
Hayaan mo lang muna akong iyakan ka habang hindi mo mapigilan ang ngiti sa iyong labi kasama siya
Hayaan mo lang akong masanay sa sakit, baka sakaling magsawa ako at hayaan ang sariling sumaya ulit...kapiling ang iba
astroaquanaut Oct 2015
dahan-dahan **** itaas
ang kamiseta kong iyong
nilamog, nilasog, nilukot-lukot
kurutin mo ang kaluluwa kong
tunay na alay sa iyo

unahin mo ang aking labi
bumulong sa pagitan ng mga halik
dila'y umiindak sa sariling ritmo
mahal kita, akin ka, mahal, halika
paibabang mga halik, hihinto sa leeg

isa-isang taluntunin ang mga bituin
sinag sa aking balat, iyong intindihin
idampi ang mga daliri sa aking dibdib
himurin ito, kilitiin, at ipadama
ang sansinukob na sa atin lamang

lapnos ng iyong mga halik ay hahanap-hanapin
animo bakas ng iyong papalayong yapak
kabog ng puso'y umuugong sa silid
hihigpitan ang kapit sa iyong buhok at
susunggaban ang iyong labing sabik na sabik

naghahalo tayo na parang makulay na pintura
kaanyuang magkasalungat ay ating pinag-iisa
inihahain ang sarili, punong-puno ng tiwala
sirain mo ako sa pinakamagandang paraan
isalin mo ang iyo, huwag mabahala
J Mar 2016
Hayaan mo na hawakan kita,
Sa mga oras na hindi mo na kaya,
Huwag **** bibitawan ang aking kamay,
Pag lumakas ang alon at hindi alam san tayo matatangay.

Hayaan **** haplusin kita,
Hahaplusin sa mga oras na masakit na,
Punasan ang bawat luha; sapagka’t
Ito’y makakalimutan at maghihilom din ang sugat.

Hayaan **** yakapin kita,
Kahit sa mga oras na masaya o malungkot ka,
Hihigpitan at babalutin para iyong madama,
Na ako’y nandito sa hirap man o ginhawa.

Hayaan **** ipakita ko ang lahat ng ito.
*Para malaman mo sa lahat ng oras ako’y naririto.
Hayaan mo na may taong gumawa sayo ng mga bagay na ginagawa mo sa iba dahil dito mo mararamdaman kung gaano kasarap magkaroon ng isang katulad mo.

— The End —