Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Euphrosyne Feb 2020
Asa durungawan
Magisa
Nakaupo,
Mahangin,
Masarap lumagok ng inumin
Mapayapa,
Mga tao'y natutulog
Masaya
Ako tuwing lumalalim ang gabi
Kahit hindi pala maaraw
Ang piling ko'y masaya
Ikaw,
Oo, buwan ikaw
Ikaw ang nagbibigay ng ilaw
Sa oras na nagdidilim
Kapag wala nang naniniwala
Sa akin.
Lubos,
Lubos
Akong
Nagpapasalamat
Sa pag bigay ng ilaw sa tuwing ang mundo ko'y nandidilim na.
Kung merong malungkot meron din masaya. Salamat aking buwan.
Euphrosyne Feb 2020
Malamig
Madilim
Mga tao'y natutulog nang mahimbing
Madaming pumapasok
Kahit walang pintuan
Mga problemang
Hindi naman kailangan
Ngunit sila'y pumapasok nalamang
Wala man lamang paalam
Ayoko silang maisip
Ayoko silang marinig
Ayoko silang makita
Ganito ba kasama ang mga problema?
Ako'y humihigop lamang ng kape
Habang nasa durungawan
Hindi ko kayang matulog nang mahimbing
Dahil sa mga problema sa buhay
Pero bakit pati ba naman sa gabi?,
Sa mapayapa na gabi
Pa kayo nagsipasok sa isipan ko
Ang gusto ko lang naman
Kahit minsan
Manahimik
Mapatahimik
Magpahinga
Mawala
Ang mga problema ko sa buhay
Habang gising lahat ng mga tao.
Matagal ko nang gusto ilabas ito kaso meron na kasi nagpapasaya saken at ikaw yun my coffee buddy :>>kaya nakakalimutan ko lahat ng problema ko sa buhay, kung binibisita mo man ito sana maging proud ka.
Kalakip ka ng dagundong ng hangin ngayong tanghali:
    Bago ang lahat, kakapahin ko ang natitirang
    init sa upuan. Iyon ang aking galit. Inukit ng iyong bigat
ang paglubog ng buwan, dito sa aking gabi,
tumatambad sa silid na walang durungawan,
  isang batang namumugad,
gumagapang sa walang-malay na gulugod
  ng pagdaralita. Bulahaw ng radyo at ang binulatlat
  na pagkakataon – matapos ang lahat ng ito,

ang tulog ay may angkop na bigat,
panaginip ay kulata, dala ng hangin ang bukas
  na walang pagkakaiba: Dinaanan mo na rin ito

kahapon ng hindi man lamang dumungaw
para kumaway.
kingjay Dec 2018
Lulan ng balangay ang pumpon ng bulaklak
Ibibigay sa kanya
Sadyang dinamihan para hindi kaya tumangan ang lahat
Lohika ng pag-iirog ay malayo sa ekwasyon

Maaliwalas ang alapaap
Minsan ay mapupuna na nababalisa sa ibaba
Ito'y taytay sa mahiang dako
at sa malungkot na pandanggo

Sinaunang tradisyon ng itong bayan
Ang alay ay dote at paninilbihan
Upang ipakita ang sinseridad
Kahit di man paakyatin ng hagdan,
magnilay-nilay sana sa durungawan

Ang pagsinta ay naiiba
Sa karurukan ng adhika ay yari
Ang nanunuksong salamangka para sa tataw ay iwawaksi
Di kayang magdesisyon sa tudlaan ng palaso

Ruta na mula Silangan pakanluran
Napapagod na ang loro
Lumubog na ang balintataw
dahil sa pinalaya ang pag-ibig
Naging manhid sa aktwal na  dula
Ang pagganap ay isang pagpapahirap
Lecius Jan 2021
Yapos parin ako ng ala-ala ng isang madilim na hapon; tulala sa durungawan ng paborito nating kainan, at namamangha sa rumaragasang ulan.

Lubhang napakalamig ng hangin. Katawan ko na'y giniginaw subalit ayaw pa lisanin kan'yang upuan. Na para bang may hinihintay na biglang lumitaw mula sa kawalan.

Nag-babakasakali na ika'y mapadaan, huminto sa aking harapan. Mapakinggan muli mula sa bigat ng pag-patak ng ulan ang iyong tinig-- nais muling boses mo aking marinig.

Ngunit sa mga sandaling ito, habang lumalakas ang buhos ng ulan, malabo na nga kitang tuluyang mahagkan; sumilong kana sa panibagong kainan, na kung saan bago mo na paboritong puntahan-- kasama mo yong kasintahan.
Jun Lit Oct 2021
Maliwanag ang tanawin sa obrang larawan,
naging aking durungawan -
naroo’t buhay pa –
lumilipad nang matayog ang mga saranggola
ng libong mga Pepe at Pilar, tuloy-tuloy na abakada
ng kinalimutang kasaysayan. Sa likod ng paanyaya
ng luntiang bukirin, kung saan ang manunugtog ay tila
may alay na lumang paulit-ulit na harana,
pilit sumiksik sa tinataklubang ala-ala
ang mapait na wakas ng isang sa himig ay kasama,
sa panahon ng ating ngayon, wari ko ba’y kani-kanina.  

Sa isang sulok ng pinutol na puno
nakasilip – ang malungkot na kuwento
Ang gitara ng isang bilanggong lider-obrero:
          Tunay na marahas
          ang kanyang naging wakas.
          Pinaghinalaang droga isinuksok.
          Sa narinig na kaluskos sa loob
          ng iyong dibdib na kahoy, dinurog
          ang lahat ng ala-alang kinukupkop
          Labing-isang taon ka nang kanugnog,
          kakosa sa pagtulog
          sa isang iglap, daig pa ang binugbog
          Pantugtog ay tinokhang ng mga tanod.
          Sa ‘yong bagting na sumaliw sa koro
          Kahit nilagot ng karahasan at maling akala
          Lubos pa ring nagpapasalamat ang madla.

Ako’y nagsusumamo sa kudyapi ng malayang ninuno
Ang mga tula, awit at mga huni ng mga ibong katutubo,
sabay sa tudyuhan ng mga kulilis at palaka sa ilog at puno.
Ang ating kalikasan ay pamayanang may kalinangan
nawa'y manatiling singsigla ng tapis na tinalak sa parang.
May pangako ang mga bagong usbong sa pinutol na lauan.
Ang noon at ngayon ay tila magkatipan –
Sa tipang bagong tunog – na sa baybayin ay tinuran,
para sa kinabukasan ng bayan.

Halina’t kahit putulin ang kwerdas ng kalakarang malupit
At nakakulong ang mga ibong marikit
Kailanma’y hindi mapipigilan kahit saglit
Patuloy tayo sa malayang pagtula’t pag-awit
Hanggang Kalayaan ay ating makamit.
Mga kaisipang pinadaloy ng Obra ni Egai Talusan Fernandez
at kwento ng gitara ni Oscar Belleza, bilanggong pulitikal

Originally posted as a comment entry to San Anselmo Publications Weekend Poetry Challenge 10/3/2021

Translation:
Eulogy for a Slain Guitar and Prayer to An Ancestor Zither
(Thoughts Inspired by a Painting by Egai Talusan Fernandez and the Story of the Guitar of Oscar Belleza, a political detainee/labor leader)

The painted canvas is an open window.
I see a bright landscape, a vision -
there, still alive
flying high, three kites of a thousand Pepes
and Pilars, reciting the native alphabet
of a forgotten history. Behind the inviting
green rice fields, where the musician seems
to offer an old repeating serenade,
a memory being concealed, squeezes through –
the bitter end of a musical comrade,
in a time that is now, just a while ago, it seems.

In the corner of a stump of a fallen tree
there peeps – one very sad story
The guitar of a labor leader, behind bars, unfree:
Violent indeed
was the end of that dear instrument.
Accused of concealing drugs in a sachet.
And with the faint rustle from the inside
of its wooden chest, they crushed
all the mem’ries it had sacredly kept.
Eleven years, it had been the bedmate,
a comrade in the struggle to have a decent sleep.
In an instant, its fate more dreadful than beaten.
The musician’s hugged box extrajudicially killed
by the guards. The tightened strings that blended
with the chorus, now broken by harsh social realities
and wrongful judgment. This is a belated eulogy –
the people, the masses, are eternally indebted in gratitude.

I now fervently pray to that zither in the portrait,
like our free ancestor. That the poems, songs, the chirps
of indigenous birds alongside the loud debating cicadas
and frogs in the rivers and in tree canopies may forever live.
Our Nature is a community tattooed with its own oneness
and may it stay alive like the woven tinalak wrap in the fields.
The buds shooting out of the buttresses of fallen lauan trees
whisper a promise. The ancient time and today are on a date –
a covenant of a new sound – carved in the baybayin script,
The future lies there, our people are not asleep.

Come and even if the cruel system cuts our singing strings
And imprisons the red-plumed bird that sings
They can never block even for a minute
As endlessly we’ll sing and chant our verses and beat
Until the Freedom we want is reached.
1 Isang prinsesang bawal yumapak sa lupa
Siya ang binukot na si Dara

2 Ang kanyang edad ay labimpitong taong gulang
Natatanging anak ng mga magulang

3 Matuwid at makintab ang maitim na buhok
Mana sa amang hari na mapusok

4 Maputi at makinis ang balat
Mana sa inang reyna na madalaing magulat

5 Tapang at nerbiyos sa dugo nananalaytay
Matapang sa buhay, natatakot mamatay

6 Sukdulan sa proteksiyon at pagka-sensitibo
Kaya ‘di pa nakalalabas ng kwarto

7 Subalit mayroon din naman siyang libangan
Kumanta at manood ng mga mangingisda sa durungawan.

-06/22/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 141

— The End —