Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"diwatang" poems
ikawalong baitang nang ika'y makilala isang diwatang nag-anyong dalaga tila'y isang biyayang hatid ni Bathala handang maging alipin na itinalaga isang reynang naligaw sa isang kaharian ako'y iyong kawal na handa kang pagsilbihan ikinagagalak kong ako'y 'yong manduhan walang mali sa 'yong kagustuhan ngunit kasabay ng paglipas ng bukang-liwayway tadhana nating dalawa'y biglang nabalutan ng lumbay nagsimula tayong matatag at dalisay ngunit ang daan nati'y nagkahiwalay at tuluyang nabalot ng kulimlim ang huwad kong buhay sana'y noong una pa lamang ay niligawan na ang Paraluman nang hindi sa isang mahapding katotohanan na ngayo'y pilit na binabalikan ang pagsikat hindi na muling mahahagkan kung iadya man ni Bathala na ika'y maligaw sa isang kahariang mapurol at maginaw hahanapin ko ang kaisa-isang kaharian na ang reyna ay ikaw
0
Jan 1, 2022
Jan 1, 2022 at 8:37 AM UTC
Mayari
072924 O kayraming pangarap na binuo — Binuno sa sariling salamangka. May ibang nagwawaging nakangiti, Habang ang ila’y nalalagas kamamadali. Nakamamangha nga sa umpisa Pagkat ito ang batayan ng karamihan Sa tinatawag nilang  “makapangyarihan.” Silakbo ng damdami’y aking pinatatahimik Bagamat sa mga sandaling iyo’y Gusto ko na lamang mapaos Sa mga himig na inaanod patungo sa aking lalamunan. Patuloy ang pagsuntok ko sa buwan Hanggang sa maging gula-gulanit maging aking kasuotan. Ngunit sa patımpalak na ito’y Wala naman pala akong ibang kalaban Kundi ang sarılı kong anino, Ang kumunoy ng aking nakaraan. Madilim — Madilim ang paligid saanman ako dumako. May hiwaga pa nga bang taglay ang Liwanag? Kung ang sinag Nito’y mas maaga pa sa Pasko. Mahiwaga — Ganyan nila ituring ang mga alitaptap Na para bang may isang diwatang Umaaliw sa kanila, Naghahayag ng kung anu-anong mensaheng Wala naman palang kabuluhan Kaya’t sabay-sabay silang mauubos Na parang mga paupos na kandaling Wala nang balak na sindihan pa. Sino nga ba? Sino nga ba ang aking susundan? Napapatid, napapagod, nanlulumo’t nakikiusap Na ako’y hatulan na lamang ng kamatayan Nang mabaon na rin sa limot Ang mga alaalang dumi sa’king katauhan. Tinatanong ko ang sarili Kung bakit nga ba paulit-ulit ang daan? Wala nga bang magtutuwid sa mga lubak nito? Ito na nga ba ang dulo ng bahaghari? At sinu-sino nga lang ba ang makahaharap sa Liwanag? Ako at ang kadiliman Ako at ang liwanag. Sino nga ba ang pamato? Sino nga ba ang tunay na kalaban? Subalit kung ako ma’y isang anino na lamang, Ako’y pipisan pa rin sa mga yakap ng Buwan. At kahit pa ako’y mahuli sa kanilang takbuha’y Sigurado pa rin akong May liwanag pa rin sa aking sinusundan. Ikaw, Anong tantya mo? Makararating ka rin ba sa dulo? Ikaw, anong pasya mo? Tataya ka ba o mananatiling isang anino?
0
Aug 13, 2024
Aug 13, 2024 at 8:53 AM UTC
Shadow and Knight

Continue reading...
55
mga uwak sa posteng nagkubli sa dilim, bitbit ay bato kung makatingin matalim, mga pula na mata'y nahalina't, pag-alis leeg sukbit ay karit. mga nasugat na balat sa paggupit ng kuko, pinupuwing ng luha ang mga mata sa bungo, kailan kaya hihinto ang mga diwatang nangisi? kailan matutulog nang managinip ay 'di gising?
0
Apr 14, 2018
Apr 14, 2018 at 3:54 PM UTC
dilat alas dos
43 Gaano man nila kaingat itago Ang kanilang lihim na pagtatagpo 44 Walang nakaligtas sa kanila Sa isang nilalang na mahiwaga 45 Kanilang saksi si Diwatang Bulawan May mata ang lupa – ayon sa kasabihan 46 Nagpakita siya sa magkasintahan Isang linggo bago ang kasalan 47 Sila ay binalaan Sa maaaring kapahamakan 48 Ngunit siya rin ay nangako Na tutulungan ang mga ito 49 Iyon ay kung malalampasan Ang mga pagsubok na pagdaraanan. -06/18/2012 *Gintong Lupa Series
0
Aug 31, 2019
Aug 31, 2019 at 9:52 PM UTC
Siboloria 7 -Diwata ng Lupa-
71 Nang mga pagsubok nalagpasan na Inanunsiyo ng diwata ang pagkasal sa dalawa 72 Sinang-ayunan naman iyon Ng magkabilang nayon 73 Mga ligaw na itik panghanda ng silangan Mga paniki naman sa kanluran 74 Isang kasalan na kakaiba Puspos ng biyaya, balot ng hiwaga 75 Sapagkat naroon din mga mahiwagang panauhin Si Amihan at iba pang diwatang kasamahan din 76 Malaking piging mula magkaibang sulok Idinaraos sabay sa tuktok ng bundok 77 Sa araw ding iyon, ipinagpaalam sila Na dadalhin ni Amihan sa Gintong Lupa. -07/12/2012 *Gintong Lupa Series
0
Sep 7, 2019
Sep 7, 2019 at 9:54 PM UTC
Ihipna 11 -Ang Alamat ng Ikatlong Lahi sa Gintong Lupa-