Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"dinuduyan" poems
Una, akong natutong magbilang ng saya sa dagat, Habang ginagawa kong kwintas ang mga puka shells Sa dalampasigan. Natutu akong lumaban sa sigalot ng buhay, Sa pagtalon habang ang mga rumaragasang alon Ay ginuguho ako. Ang hangin Ay bumubulong sa akin ng uyayi Dinuduyan ako upang mahimbing. Natuto akong magbawas ng kalungkutan Sa mga tuyom Sa baybayin. Natuto ako ng kolektibong paggawa Sa pagmasid sa mga mangingisda sa paghugot ng lambat mula sa dagat Na taglay ang isang araw na huli at hatiin sa kanila Nang pantay-pantay. Umuwi sila sa kanilang pamilya na may Kasiyahan sa kanilang dalang Paghahatian sa paminggalan. O kay sarap sa pakiramdam Tuwing huhubarin ko ang aking tsinelas At namnamin ang mapipinong buhangin sa aking mga paa. At sa tuwing ako ay nakakaranas ng kasalatan Akin lang alalahanin- Ang mga araw ng aking pagbibilang sa dagat.
0
Oct 17, 2016
Oct 17, 2016 at 9:00 PM UTC
Mga Araw Ng Pagbibilang Ko Sa Dagat
Kung ako ang siklab Tiyak ikaw ang dagitab Na buhay na buhay sa pinakamadilim na karimlan Na siyang nag-aangat sa mga anino na kay pino at may likas na talino Kung ako ang ningas Nararapat lamang ikaw ang hangin at simoy Hindi nabago at malaya na naging tanggulan... Dinuduyan ang kasanggulan. Para lamang malinang at kalingain Upang sa gayon ang naturang ningas ay magliyab at maging isang apoy ! Kung ako ang pagpapalitan at pagkakaisa At halos nga ay kapwa pawiin... Ikaw dapat ang gabay at kamay Na may tangan ng tiwala at paniniwala... Naghihintay ng sandali at tiyempo Upang maihanay ang iyong sarili sa ritmo at tono Nang sa gayon magagawa nating... Maipagpatuloy ang Pagputok ng sulong sinindihan hanggang sa maging ilaw. At muli magagawa nating... Balikan ang sinimulang paglalakbay pasulong kalakip ang tatag at tibay Mula sa gitna ng kadiliman Tayo nawa ang maging malinaw Gaya baga ng dulot ng kinabukasan. Hawak-kamay tayo, iyan ang kailangang mangibabaw... Sapagkat sa ating pagsusukob... At tanging sa ating pagsusukob, Tayo ay.... maliwanag na maliwanag . Manigong bagong taon sa lahat!!! *ryn's incandescent translated to tagalog by: solEmn oaSis
0
Jan 31, 2020
Jan 31, 2020 at 12:25 PM UTC
_-_-_-_-_- walking ryn _-_-_-_-_-
Sa mga panahong naaalala Kita, muling nagpupunla ng Sarikulay ang panganorin Sa kaparangan ng lambong Ng gabi. Sanggol mo akong dinuduyan Sa piling ng gunita't pagsintang Mababakas sa balintataw Ng panahon. Bumabakas din sa buhanging Makailang ulit mang igupo Ng alon, ng pagkakataon Eternal ngang nakaguhit Ang iyong pag-iral sa hiwaga Ng puso, isang bagong pagsuyo; Sa mga panahong naalala kita...
0
Aug 12, 2014
Aug 12, 2014 at 5:06 AM UTC
J.