Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Andrei Corre Feb 2016
Wala akong alam sa pag-ibig
Ngunit nang ikaw ay nahagip
Alam kong ikaw na 'king iniibig
Binigyan **** katuparan ang panaginip
Na dati'y tinatamasa lamang sa pag-idlip

Wala 'kong alam sa pag-ibig
Bawat hinagpis kong pinunasan ng 'yong palad
Ang mga labi **** nagsilbing liwanag na hubad
At kulay sa buhay kong mapanglaw
Kaya nga sabi sa sarili, ikaw na nga, ikaw

Wala 'kong alam sa pag-ibig
Kaya hinayaan kong mabulag mga mata kong singkit
Na ikaw lang ang tinatanaw, walang pakialam sa sakit
Kahit pa nung araw na hindi ka na lumapit
Mga taghoy ko'y pilit kong iniimpit

Wala 'kong alam sa pag-ibig
Kahit malabo na ang pag-iisip
Pinilit kong takbuhin ang distansya natin
Kahit alam kong walang makukuha ni silip
Sa paghabol sa taong ayaw na sa'kin

Wala 'kong alam sa pag-ibig
Musmos pa nang ika'y humangos sa'kin
Wala 'kong alam sa pag-ibig
Dinamdam ko ang pagtulak mo sa'kin
Wala 'kong alam sa pag-ibig
Tinanggap ko lang mga salita **** hagupit
Wala 'kong alam sa pag-ibig
Tinalo ng luha ko ang ulan ng bagyong mabagsik
Wala 'kong alam sa pag-ibig
Noon ay akala ko ikaw na ang nangyari sa'king pinakamasakit

Wala 'kong alam sa pag-ibig
Pinanood lang kita sa pagtakbo mo
Nabingi lang ako sa mga pangako mo
Marami ring oras ang inaksaya ko sa'yo
At mahaba-haba rin ang nasulat kong 'to

Ngayong natuto na akong tumayo sa mga paa ko,
Ang punto ko lang ay napakawalang hiya mo!
lovestargirl May 2015
Biyaya:
Lumabas ako’t nanatili sa aking kinaroroonan.
Dinamdam ang bawat sandaling dumadaan,
Na para bang ang bawat segundo’y aking inaasam.

Isang halik mula sa langit at ako’y nanabik,
Isang halik sa sinag ng araw at ako’y napapapikit,
Isang halik mula sa hangin at aking linanghap.

Ang mga ito nama’y biyayang pruweba ng aking pagkabuhay.
Bawat halik mula sa langit ay parang nagpapaalala,
Ng mga bagay na sa atin dapat ay mahalaga.
Michael Joseph Nov 2018
Hapon tayo unang nagkita at pareho tayong nag-iisa
dinadamdam mo ang lamig ng kahapon, ang paglisan
minamasdan ko sa layo ng araw ang iyong halina

Mahirap mag-intay sa ilap ng mga sulyap,
tanglaw sa tuwing naghahanap-kayakap
sa mapangakit na halina ng mga ngiti sa labing
malabong magdikit kahit sa pangarap

Sana’y sapat na ang mga awit
ng mga tulang binigkas sa hangin,
nagbabakasakaling maipadama ang lalim
at tugma ng pag-ibig na nilihim

Sa gabi, mag-isa na naman at dama ang lamig
yakap ang unan, hawak ang kumot
nag-iilusyong kasama ka

Sana’y maulit muli ang sumpa
sana’y walang takot sa halina
‘pagkat sanay na tayo sa lamig ng gabi
alam na natin ang ingay o init
at takot na tayong mabighani

Sa umaga, mag-isa na naman at dama ang init
masaya na sa halik ng kape sa labi
nag-iilusyong kasama ka.

Hapon tayo unang nagkita at pareho tayong nag-iisa
dinamdam mo ang lamig ng kahapong kaysakit
ninamnam ko ang tamis ng kalayaan sa pasakit

sana’y tanghali nalang tayo nagkapiling
sana’y di pa sanay o manhid sa pag-ibig.

Tadhana
Michael Joseph Aguilar Tapit
6/19/2016

— The End —