Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Kay sarap titigan ng langit,
Habang unti-unting bumababa ang araw,
Siya namang paglabas ng buwan,
Kasama ang mga libo-libong bituin,

Tuwing dumarating ang takipsilim,
Ika'y aking naaalala,
Ang mga matang kumikislap sa dilim,
At ang iyong ngiting nakakahumaling,

Ang takipsilim daw ang pagtatapos,
Ng bawat araw na ating nalalasap,
Sa t'wing tumutunog na ang batingaw,
Isang araw nanaman ang pumanaw.

Sa tuwing lumulubog ang araw,
Ikaw ang aking natatanaw,
Bawat araw ay ikaw,
Ang aking iniisip.
kingjay Jan 2019
Paghinga'y humihina at
ang pagngiti ay may kasama ng luha
Ang pagsinta'y kinaiinggitan ng langit
bagaman hindi mapalad

Pagdurugo'y ayaw na tumigil
Ang kapanglawan sa loob ay naghari
Nanirahan sa anino ng bukid - sa dilim
Nag-alala sa di humuhugpong tulay

Sinlamig ng nyebe sa taglamig
Sa kaginawan nagiging yelo ang tubig
At ang temperatura'y bumababa pa sa sero
Gaya ng pagpanaog ng bahaghari sa magkabilang dulo

Tulad ng malinaw na batis
at ng talon na masiyahin
nag-uugnay sa damdamin - pag-ibig na hindi kailanman naangkin at
naalagaan para bumalong

Nang ito'y hindi na maitiklop
upang maisilid sa mumunting lalagyan,
humihibik sa tuwing gabi
Ang inuusal ay mahal na lakambini
limang sintido'y binihag
s i r May 2019
Ulap sa lupa ang maputlang buhok
Sing kinang ng pilak, sing pilak ng usok
Isang obra maestrang handog ng Panginoon
Sagisag ng nakalipas na halos isang daang taon

Sa balat malinaw ang mga lumipas na panahon
Tigib sa pinong linya at kulubot
Sa mukha nama’y walang kolorete, alahas o pulbos
Kasing kinis ng balat ng masintahing musmos

Sa mga mata’y nakalubog ang karanasan at karunungan
Naipon ng mga pagkakamaling pinagdaanan
At ang mga tala sa langit, bumababa sa lupa
Napunta ang kinang sa mga matang minsan nang lumuha

Ang gaspang ng buhangin sa palad ay ipinasa
Marka ng walang katapusang pag-aalaga
Sa kanilang buhay ay alumpihit, pagod
Upang tayo ay mabuhay ng malugod.

Lahat ng sugat, pagod, galos, at kulubot
Ito’y pagmamahal ni inay na walang pag-iimbot
Sana’y maunawaan mo ang nakikita ko
Sa puting buhok at gaspang ng palad kagandahan ay totoo
Kathang-isip na nagsimula ng paglalakbay.
Bawat pahina ng buha'y hinubog ng sabay.
Ika'y anghel, bumababa, at sinagip
ang mundo kong pariwara
Ipangako na hindi ka mawawala

Lahat ng salitang binitawan
Na walang makikilalang sinoman
Na magbabago ng nilalaman
Ng aking puso at isipan

Pero andito na tayo
Hinarap ang mga bagyo
Lindol, baha, at delubyo
Andito pa rin tayo

Hawak, mahal...
Humawak ka't tayo'y maglalakbay
Hawak, mahal...
Patungo sa habambuhay

Pero andito na tayo
Hinarap ang mga bagyo
Lindol, baha, at delubyo
Andito pa rin tayo

Hawak, mahal...
Humawak ka't tayo'y maglalakbay
Hawak, mahal...
Patungo sa habambuhay

Hawak, mahal...
Humawak ka't tayo'y maglalakbay
Hawak, mahal...
Patungo sa habambuhay
Eaaasy x Aiwand
kingjay Jan 2019
Kunting pagdilat ng kanyang mga mata na di-gaano masingkit
ay ginagahis ang hita't bisig - yumuyukod
Pagsisilbihan ang prinsesa
Tapat na kawal na di sadyang napa-ibig na

Sa pook na madalang dalawin ng banaag ay nanimpuho
Malago ang mga paragis
Nang mga ulap ay bumababa na parang sumasimpatiya
Nahahagkan ang mukha

Kulang sa init at lamig
Walang lasa ang inihaing pag-ibig
na di tumagal sa panlasa
Paano lubusan na ipangangahulugan
kung di nakaranas ng karinyo ng dalaga

Nangatuyo na ang mga uhay sa tumana
habang sinusulyapan ang kasaysayan
Kahit lipos ng balbas ay ngingiti pa

Kahit ilang ulit pa ilalarawan ang anyo na singganda ng mga likas na yaman
Sa hubog na baywang
balingkinitang katawan ay di magsasawa
Nagsusumamo ang puso sa kalangitan
Levin Antukin Jun 2020
kung ika'y nakatutulog nang mahimbing,
nawa'y ihele ka sa bisig
ng mga umuugong na hiyaw.
hindi nagmamaliw, hindi patitinag.

inaantok na.
dahan-dahang bumababa ang kurtina.

bakit nga ba?
bakit ba mas ibinubuka ang mata
tuwing kakapa sa dilim
kaysa liwanag ng bagong umaga?

sunugin yaong tela.
basagin ang bintana
hayaang pumiglas ang kaluluwang nagmamakaawa
na kahit isang saglit

matulog ka'ng mulat. kailan ma'y 'wag pumikit.

— The End —