Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Stum Casia Aug 2015
Maganda ka pa rin.
Kahit lagas ang halos lahat ng iyong ngipin
at pilas ang maganda **** pisngi.
Maganda ka pa rin.
Kahit hirap na kitang makilala.
Kahit hindi ko na makita ang ngiting dati ay para sa akin.
Maganda ka pa rin, aking asawa.
Magandang, maganda ka pa rin sa aking paningin,
mahal kong asawa.

Bigla ko tuloy naaalala,
noong hindi pa tayo magkakilala.
Palagi kita tinitignan. Mula sa malayo.
Sa likod ng mga streamer. Sa likod ng mga banner.
Parang stalker. Tinitignan kita.

Kaya naman parang umaakyat sa hagdanan ang aking kaligayahan
nang ikaw ay magpasyang mag-fulltime.
Nang tanggapin mo ang aking laking-bukid na pag-ibig,
At mas lalo, siyempre nang ikasal tayo sa opisina ng KOMPRA.

Pero, mahal na kasama, ngayong gabi,
ibig sana kitang sarilinin.
Tayo lang sana ng mga anak natin.
Pwede bang kahit ngayong gabi ay maipagdamot ka namin?
Pwede bang dito ka muna sa amin?

Oo, alam ko,
di mo iyon nanaisin. Sasabihin mo pihado, sigurado.
Pamilya mo rin sila- manggagawa, magsasaka, mga kasama.

Kaya't kasama nila,
bubuhayin ko ang iyong alaala.
Bubuhayin namin ang iyong mga alaala.

Ang huling araw na ikaw ay nakasama.
Ang huling text message na iyong pinadala.

Ang iyong mga aral at mga hamon.
At batid naming lahat saan ka man naroroon.
Tiyak namin san ka man naroroon.

Tumatawa ka nang malakas,
tinatawanan mo ang mga ungas.
Mga ungas sila. Bigo sila. Epic fail sila.
Nabigo silang ika'y patahimikin.
Nabigo silang pag-aaklas natin ay pahupain.
Akala nila nagwakas,
Pero tumutupok pa rin ang sinindihan **** ningas.
At sa muling pagbalikwas ng malayang bukas.
I-aabot natin sa tarangkahan ng kanilang mga kaluluwa ang wakas.
Eugene Jan 2016
Kung nakalimutan **** ibigin ako,
Bubuhayin ko ang puso ko sa ibang tao.
Kung hihilingin **** muli ay maging tayo,
Maipapangako mo bang mahalin ako ng buong-buo?

Kung nagkamali ako at ika'y nasaktan,
Buong puso akong hihingi sa iyo ng kapatawaran.
Kung may pagkukulang ako at ika'y lumisan,
Kausapin mo ako nang maiwasan ang iyong pag-alsa balutan.




Ano mang mayroon ako'y ibabahagi ko,
Kung talagang mahal mo ako, ika'y magbabago.
Mamahalin kita ng higit pa sa inakala mo,
Dahil ang puso ko'y sadyang laan lamang sa iyo.

Magsimula tayo sa bagong taong ito.
Liligawan pa kita kung ito ang nais mo,
Basta't mangangako kang IKAW lang at AKO,
Sa mata ng Diyos, ang nakatakda ay TAYO.
M G Hsieh Jun 2016
wala naman makapagsasabi, kung kelan matutupad ang tunay na pangarap
    nalalaman mo pa ba kung ano ang binubulong ng puso?
    hinde pa ba ito natatabunan
    ng alaala ng kahapong pinagmulan?

    nais kong umangat mula sa putik na aking minana:
    ambisyon ang umuudyok
    pagkatotoohanin ng kasiyahan, ang bawat layaw ng laman
    na tulak ng mundo
    pabilis nang pabilis ang ikot
    habulin man
    unahan man
    kelangan pagbayarin

    bawat hubog sa atin ng tinaguriang
    collective consciousness
    nang kung sino man matalinong tumawag dyan,
    dyan! mapangahas na pangngalang marangal!

    sino ba ako pag humiwalay ako sa collective consciousness na yan?
    anong napala ko dyan, itinulak ako
    (di kayat, nagpatuak ako?)
    patungo sa isang kanto nyan
    dahil kelangan kong sundin
    ang moralidad
    ang paniniwalang
    gawa-gawa rin lang
    ng aking kapwa

    hinde ko tinatakbuhan
    ang aking
    social responsibility
    na syang dinikta na lipunan
    na dapat akong kumayod at tuparin
    ang oblgasyon ko sa kanya

    no.

    ang tinutukoy ko
    ay ang binubulong
    ng bawat saloobin

    natabunan na ito
    ng sigaw ng damdamin

    sinong makakapagsabi
    kung kelan matutupad ang pangarap?

    ito ba'y aking hahabulin
    pipilitin
    paglalabanan
    sa hilaw na panahon?
    (tulad ng sigaw ng damdamin
    na tumilapon sa akin?)

    ang bulong ng saloobin
    hinuhukay ko pa
    ito'y nasa ilang
    lantang lanta na ako
    binging bingi
    ngunit naririnig ko pa
    sinasakop nya ako
    umaasang bubuhayin ko muli.
Agust D Apr 2020
maitim ang gabi
patagong hikbi'y
nagmumulto sa tabi
nagpaparamdam, pasintabi

kwentong nakaukit sa dilim
binabalik-balikan, palihim
umaasa nang mataimtim
nawa'y bumalik sa takipsilim

hangal mang maituturing
alaalang matagal nang nakalibing
ay muling bubuhayin, sinungaling
eksena, alaala, nakakahumaling

natapos na ang ulan
maaari na bang tumahan
magpahinga't lumaya nang marahan
upang mabitawan, panandalian
Hiraya ng Pag-ibig
Crissel Famorcan Oct 2017
Isa. Dalawa. Tatlo.
Tatlong taong walang pagbabago
Tatlong taon ng pagpapakagg
Kelan ako titigil? Hindi ko alam
Siguro kapag masyado na akong manhid sa sakit
Kapag masyado nang tanggap ng sistema ko ang lahat ng pait
Siguro Kapag natuto na akong paglabanan ang inggit.
Ang gusto ko lang naman maramdaman ang saya
Kahit na ba Oo! Magmukha akong tanga
Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba
Basta ang Alam ko lang gusto kita.
At Oo! Alam kong magkaiba tayo ng nadarama
Pero ayos lang! Basta't nandyan ka.
Lolokohin ko na lang ang sarili sa mga pantasya't pangarap
Sa mga pagkukunwaring ako din ang lagi **** hinahanap
Bubuhayin ko sa kasinungalingan ang pusong sugatan
Pasisiyahin ng konti ang mga mata Kong luhaan
Huwag lang mag alala pagkat ginusto ko 'to
Wala kang kasalanan kung nagkakaganito man ako
Basta't huwag ka lang lalayo
At siguradong magiging ayos lang ako.

— The End —