Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Benji Mar 2017
Kahel na pala ang langit.
Ang init, ayon, namumutawi.
Sa tabi ko'y radyong tumutugtog,
Sumasabay sa huni ng bentilador

Habang ang ulo'y sumasakit
Mga kanta'y puro tunog sawi,
Sa litrato mo, ako pari'y nahuhulog
Sa bawat laklak, sa bote ng matador.
reyftamayo Jul 2020
Nagsasayaw
Ang ilaw sa tabi ko
Sa gilid sa harap paikot
Naghalo sa kisameng kasama
Ang antok-hilo kong ulirat
Bingi na ako sa tunog
Ng patagilid-pakalat na musika
Habang pinapaypayan ako
Ng higanteng bentilador
Naisip ko
Mas mainam siguro
Nasa bahay lang ako
Pusang Tahimik Jul 2020
Kaynipis ng hangin sa paligid
Kahit pa bentilador ay nakatutok sa magkabilang gilid
Nangangamba sa mga taong kasama sa silid
Naway tiyak nga ang aking lingid

Ngunit di nagsisinungaling ang mga senyales
Kahit na hindi na isulat pa sa papeles
Tiyak ang paghinga na may pagtitiis
Na tila inaagaw ang hangin na kay nipis

Pinarurusahan nga yata ako
Sapagkat sobrang nakalimot na nga ako
Maging sa pagkain nauuna ang subo ko
Kaysa pasasalamat at dalangin ko

Tiyak na nga, tiyak na nga...
Masakit ang ulo sa paghiga
Barado ang ilong magkabila
At pang amoy ko'y wala na nga

Ako ba ay makatatagal kaya?
Tanong sa isip na nawawala
Sa wasto dahil masakit na nga
Diyos ko bahala ka na nga!
'JGA

— The End —