Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Eugene Jan 2016
Sa iyong paglisan, gusto kong baunin mo ang;

Isang tasang sinelyuhan ko ng halik,
tanda ng aking unang halik sa iyo.
Isang basong minarkahan ko ng seguridad
na kahit saan ka magpunta, naroon ako.
Isang kutsarang puno ng pasensya,
na pipigil sa ano mang galit sa iyong puso.
Isang makapal na balabal ng katapatan
na yayakapin ka't patutulugin ng mahimbing sa magdamag.

At higit sa lahat...
Nais kong baunin mo ang kuwintas ng aking pagmamahal
na siyang magpapatunay mula noon hangganga ngayon
ikaw at ikaw lamang ang mamahalin ko.

Nawa'y tanggapin mo ang mga sangkap ng aking tunay na pagmamahal...
#love, #faithfulness, #feelings, #security, #TagalogPoems, #LikhaatTula
Kung pano tayo nahantong dito ay hindi ko alam.
Sa kung paano natuwid ang paa at sa kung pano unti unting nalagot ang yong hininga.
Hindi ko alam kung pano ko nakayang halikan ang iyong kamay habang ikaw ay nakaratay at walang malay.
Hindi ko alam kung pano ko kinayang patigilin ang luhang umaagos sa mga mata habang pinapanood kang hirap na hirap huminga.

Hindi ko alam kung ano ako ngayon habang pinagmamasdan ang pikit **** mga mata.
Hindi ko alam pano ko tatanggaping ang aking nagsilbing ama ay wala na.

Unti unting tumigil ang paggalaw ng paligid ko, sa loob ng apat na sulok ng silid mo,
Unti unti akong nabingi sa mga hagulgol ng pamilyang nagmamahal sayo,
Habang pinagmamasdan ko ang huling pagkumpas ng mga kamay mo, ang paputol putol **** paghinga, at ang unti unting paglabo ng yong mga mata.

Hinahanap hanap nang tainga ko, ang patawag mo sa pangalan ko. Ang mga pagtatampo mo kapag hindi ako dumadaan sa bahay mo. Ang pagtawag mo ng madaling araw kapag kaarawan ko. Ang mga tugtog mo. Ang pagtawa mo sa mga jokes ko. Mamimiss ko ang mga yakap mo.


Ikaw ang umakay sa musmos kong puso at nagpaliwanag kung ano ba ang buhay.
Ikaw ang kakampi sa lahat ng bagay.
Ikaw ang nagturo kung pano magbilang, at sumagot sa assignment kong 1 plus 1.

Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin,
Na sa mga susunod na araw ika'y hindi ko na kapiling.
Kaya kung saan ka man naroroon, ito sana ay baunin,
Itay, mahal kita mula noon at sa habang panahon.
Salanat sa mga alaala, bagamat may poot mas lamang naman ang galak,
Bagamat ang iba ay lumuluha, mas madami pa rin ang tumatawa.
Salamat itay, itay paalam na.
Hahayaan kita
Hindi na ko magsasalita
Hindi na ko babalik sa mga araw na masaya pa
Hindi ko na sasabihin pa  
ang mga salitang sinasabi ko sayo
Nung tayo pa
Pero bago ka mawala ng tuluyan
Sana. Sana magkunwari ka man lang
magkunwari kang tayo
na parang mahal mo pa ako
na parang ikaw at ako lang ang tao mundo
Na parang atin parin ang bukas
yung takot tayong dumating ang bukas
Na parang wala sa diksyonaryo natin ang bukas.
Pero wala na nga palang bukas
Hindi na pala sa atin ang bukas
Dahil bukas, ang matitira ay ako
Kaya may isang hiling lang ako sayo
Na kung ito man ang huling gabi na magkasama tayo
Ituring mo akong higit.
Lalo sa puso mo
Bigyan mo ako ng huling sandali
Yung pwedeng kong baunin
Yung pwedeng sa utak ulit ulitin.
Ulit ulit ulit

Hahayaan kita
Hindi na ko magsasalita
Hindi na ko babalik sa mga araw na masaya pa
Hindi ko na sasabihin pa
ang mga salitang sinasabi ko sayo
Nung tayo pa
Nung mga araw na  mahal mo pa ako
na hawak mo pa ang kamay ko
Noong bago dumating ang ngayon
Ngayon
Wag ka nang magsalita
Halata na sa yong mga mata
Na itoy huling gabi na
At alam ko nakikita mo rin sa mga mata ko
Na sa akin ang gabing ito ay mahalaga
Kaya bigyan mo ako ng alaala
Dahil baka akoy hindi na muling magmahal pa.
120522

Nanginginig ka
Tila ba ayaw mo Akong pagmasdan.
Hindi ko mawari ang nasasakupan
Ng iyong isipan.

Sa aking paglapit
Ay kusa kitang hahagkan.
O, wag ka nang mangamba pa
Pagkat kirot ay pansamantala.

Baunin mo ang aking liham
Na iniukit ko sa’yong katauhan.
At wag **** isiping
Ang pait na iyong sinapit
Ay walang mabuting kapalit.

Magbilang ka ng mga araw pa
At ang nararanasan mo ngayon
Ay kusa mo nang maiintindihan ang dahilan.
Mamuhay ka ng may galak,
Mamuhay ka pagkat ako’y lilisan na.
Ferllen Dungo Feb 2021
Ikaw ang isa sa pinaka makabuluhan kong sinasambit t'wing nananalangin.
Nawa'y dumating ang araw na makita kang nakangiti ng walang dinadaing na anumang hapdi.
Nawa'y mahanap mo ang lugar at panahon kung saan at kailan matatagpuan ang kaligayahan ng iyong puso.
Gusto kong manatili ka kung nasaan ka man ngayon, at ng hindi mo matanaw ang kalagayan at hindi mo marinig ang mga paghikbi tuwing gabi.
Baunin mo sa iyong paglipad at paglaya ang mga salitang ...


Minahal ka sa paraang alam ko.
kahit hindi na ko sigurado ngayon kung marunong pa ako no'n.
Tila ramdam ko na ang sakit pag nawala ka.
Mga salitang binibigkas ng labi **** maganda,ngunit bakit ang mga kataga ay nakakadurog na.
Tila simpling pamamaalam,ang hatid ay sobrang kasakitan.
Di mapigilan mata ay maluha,kahit anong pigil ito ay kusang babagsak,
tila ba may sariling buhay na pati puso ay kanyang nararamdaman.
Mga alaalang kaysarap balikan,mga ngiti at tawa mo na dati’y parang isang magandang ritmo.ngunit alaala na ngayon ay nag bibigay bigat sa pakiramdam ko.
pagkat alaala ay d na kayang balikan.
Mga ngiting gustong gusto ko laging napapakingan.
Mga halakhak na kaysarap pagsaluhan.
Ngunit ngayon isa na lamang alaalang hindi na kayang makamtan.
Dahil sa iyong pamamaalam at pag lisan ,pati aking kaligayahan at puso’y sabay dinala sayong paruruuon.
Bakit sa dinami-rami ng pweding baunin,bakit puso ko pa ang yung naisip.

— The End —