Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"alumpihit" poems
Ang pasan na krus ay simbolo ng walang humpay na pagmamalupit Nang naipako sa kahoy, sa timog dumaloy ang aurora Nagsilaglagan ang mataas na densidad na luha Nalusaw na esperansa ay hindi madadampot Nakakawala sa palad kung kuyumin Inipon ang likido na tumilamsik Sa bahay ay alumpihit Sino magsasagip kung patay na Ang kalansay ay huwag na galawin Aabot sa kabanata na malansag maging ang luningning at tumihaya sa burol ng pagrayos Ang siwang ng kahon ay singawan ng hinga Nalumbay ang pipit sa lilim ng Balete Nahira sa musika na inawit Hiningi na sumakabilang buhay na Inakala na may kasagutan sa mga tanong Sa kwentong ito ipinapakilala ang pag-ibig sa isang tao Ibubunyag ng kwento ang walang paalam na pag-iwan Layas na bulalakaw ay panhiling na bituin
0
Dec 26, 2018
Dec 26, 2018 at 6:31 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #31
Ulap sa lupa ang maputlang buhok Sing kinang ng pilak, sing pilak ng usok Isang obra maestrang handog ng Panginoon Sagisag ng nakalipas na halos isang daang taon Sa balat malinaw ang mga lumipas na panahon Tigib sa pinong linya at kulubot Sa mukha nama’y walang kolorete, alahas o pulbos Kasing kinis ng balat ng masintahing musmos Sa mga mata’y nakalubog ang karanasan at karunungan Naipon ng mga pagkakamaling pinagdaanan At ang mga tala sa langit, bumababa sa lupa Napunta ang kinang sa mga matang minsan nang lumuha Ang gaspang ng buhangin sa palad ay ipinasa Marka ng walang katapusang pag-aalaga Sa kanilang buhay ay alumpihit, pagod Upang tayo ay mabuhay ng malugod. Lahat ng sugat, pagod, galos, at kulubot Ito’y pagmamahal ni inay na walang pag-iimbot Sana’y maunawaan mo ang nakikita ko Sa puting buhok at gaspang ng palad kagandahan ay totoo
0
May 9, 2019
May 9, 2019 at 12:12 PM UTC
Sa Kagandanhan ng Puting Buhok