Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
060624

Hindi ako nangangambang
Tabunan ng dilim ang liwanag ng araw
Na sa kanyang pagsilang ay manlalabo rin
Ang aking pananaw.

Pagkat mananatili ang Langit
Hanggang sa aking huling Lupang Hinirang.
At wala akong ibang nais na gawin
Kundi pagmasdan ito
At tingalain ang yaman nitong kagandahan.

Sa aking paggayak sa tabing dagat
Ay tatawagin din ako ng Kanyang mga alon.
At ang tanong ko’y Kanyang aakuin.

“Gaano nga ba kalawak ang Iyong pag-ibig?”
Wari ko’y ilang dipa pa ba
Hanggang sa marating ko Siya.
Ngunit ako’y aakapin ng sumisipol na hangin.
At ‘yan na marahil ang tugon Niya.

Sa aking pagsuyod
Maabot lamang ang Kalangitan,
At sa aking pagsisid
Matiyak lamang ang lalim ng Karagatan —
Walang ibang kasagutan
Kundi ang natatangi **** Ngalan.
I was driving when God whispered to write about this poem. I said, “Lord, wait lang, isusulat ko. Uuwi lang ako.” And here I am writing what God wants me to write about. Thank You, Jesus Christ. Please overflow in my life.
chloie Jul 2019
'di mo na kailangang mangamba pa
kung sinong sasalo sa'yo
pag ikaw ay nadapa;

aakapin kita,
hanggang handa ka nang
bumangon muli.
ako'y naririto,
mula pagsikat ng araw,
hanggang sa pagtanaw ng buwan --
sa pagtatampo't
pagbuhos ng tubig ulan,

mahal,
hindi kita iiwan.

— The End —