Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
Jor Jan 2015
Tanda ko pa dati nung tayo pa,
Ang dami nating plano sa isa't-isa.
Sabi mo sa hinaharap ako'y kasama,
Sa pagtanda, sa hirap maging sa ginhawa.

Dumaan ang Disyembre: Buwan ng taglamig.
Tila hindi ko na ramdam ang iyong pag-ibig.
Ang dating umaalab na pagmamahalan, lumamig.
Bakit ka nagkaganyan? Ako ba'y may kasalanan?

Nangako kang hindi mo ako iiwan,
Nangako kang hindi mo ako tatalikuran.
Hanggang sa ika'y nakaramdam ng kasawaan.
Iniwan mo akong walang alam, ako'y labis na nasaktan.

Niloloko mo lang pala ako!
Hindi lang pala ako ang nasa puso mo.
Isang lang pala ako sa mga laruan mo.
Kaluluwa mo sana'y sunugin sa impyerno!

Nagpadala ako sa mga ngiti mo,
Umasa ako sa mga pangako mo.
Sinisisi ko ang sarili ko,
Kung bakit sayo'y ako'y nagpaloko.
Jor Jan 2015
Isa lang ako sa
mga taga-hanga mo.
Isa lang ako sa
mga dinadaanan mo.
Isa lang ako sa
mga nilalampasan mo.

'Di mo manlang
ako napapansin.
'Di ako nakikita
ng mga mata mo.
'Di mo manlang
naririnig ang tinig ko.

Gusto kita.
Sa ayaw at
sa gusto mo,
gusto kita.
Mali —
Mahal na pala kita.
Jor Jan 2015
Sana kung gaano kadali ang pag-hinga,
Ganun lang din sana
Kadali ang malimutan ka.

Sana kung gaano kadali bitawan ang lobo,
Ganun lang din sana
Kadaling maglaho ang pag-ibig ko sa’yo.

Sana kung gaano kadali tadyakan ang preno,
Ganun lang din sana
Kadali huminto ang nararamdaman ko sa’yo.
Jor Jan 2015
I guess,
this bed
is too big
for me.

Why don’t
you hop in
And share
with me?

I’ll hug you
tightly and
caress your
face gently.

Until we
fell asleep
quietly and
peacefully.
Jor Jan 2015
Sa araw na’to haharanahin kita
Kahit ‘di ako marunong kumanta.
At ako’y madalas laitin ng iba.
Ayos lang sa akin, basta ikaw ang kasama.

Makita lang kita tumawa
Buo na ang aking umaga.
Magkakantahan tayo
Kahit pareho tayong sintunado.

Ang mahalaga ay sumaya tayo
Kahit na madalas, sablay sa tono.
Magtatawanan at maghahagikgikan
'Yan ang ating kaligayahan.

Sa paglubog ng araw, parehong naluha.
Dahil tapos na naman ang araw
At ako naman sayo’y mangugulila.
Ika’y lilisan na, Magtutungo sa Amerika.

Nagyakapan ng mahigpit,
At binigay ko ang aking gitara.
Dahil ito lang ang magpapa-alala
Sa ating masasayang alaala.
Jor Jan 2015
Nagsimula ‘to ng makilala ko s’ya.
Pinapakita ko na mahal ko s’ya,
Pinaparamdam ko na s’ya ay mahalaga.
Pero para sa kanya, wala lang talaga.

Kahit na may pagka-boyish s’ya
Prinsesa pa rin ang turing ko sakanya.
T’wing gabi, iniisip ko s’ya
Tinanong kung nadarama n’ya ba?

'Di ko alam kung nadarama n'ya ba
Na may pag-tingin na ako sa kanya?
'Di n'ya ba pansin na mahal ko s'ya?
O sadyang manhid lang talaga s’ya?

Sobrang hirap ng ganito para akong
Nagmamahal ng taong paralisado
Na kahit anong pa ang gawin ko
'Di n'ya naman ramdam ang pag-ibig ko.
Jor Jan 2015
Ilang taon ko inipon ang lakas ng loob
Para sabihin sa’yo lahat ng nakakulob—
Sa puso kong patay na patay sa’yo.
At ang masakit dun parang wala lang sa’yo.

Masakit ang mga sugat na dulot mo,
Tila libong pana ang tumusok sa puso ko.
Wala ba talaga akong puwang sa buhay mo,
At ganun mo nalang itinaboy ang pag-ibig ko?

Ang hirap tanggapin na may mahal ka na,
At ang sakit isipin ako’y itsapwera na.
Isang tyansa lang ang hinihingi ko,
Bakit pati ‘yon ay ipinagkait mo?

Sabagay, bakit kasi ang kupad-kupad ko?
Kung noon pa sana ako nagsabi,
Eh ‘di sana ngayong gabi ikaw ang katabi.
Ang tanga ko rin naman kasi, sana noon pa ako nag-sabi.

— The End —