Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Euphrosyne Feb 2020
Mga
Mga kahapong
Napabalikwas
Mga bukas
Na hindi na mangyayari
Mga ngayo'y
Di na mauulit
Parang
Mga nararamdaman mo'y
Kahapon
Mga tawanan nating
Bukas
Mga nangyayaring
Parang ngayon
Lahat sila
Nabaliktwas
Di na mangyayari
At di na mauulit muli.
Mga oras na nawala mga di na mauulit na hanggang sana nalamang na umaasa parin ako diane.
zee Oct 2019
Mga kantang nagpapaalala ng kasaysayan ng ating pagmamahalan;
Prosa at tulang ikaw at kwento nating dalawa ang nag-iisang paksa;
Ang pait at sakit sa bawat pagsambit na ‘di ka na muling manunumbalik;
Luhang nagmistulang mga talon hanggang sa natuyo na lang paglipas ng panahon;
Bawat araw na lumilipas ay naiipon na lang tulad ng mga pangako ng kahapon
At nang dumating ang araw nagpasiya kang bumalik; hindi na maramdaman ang sabik
Tuluyang napagod na at namanhid sa sitwasyon; hindi na ako muling aasa
Na masimulang muli ang istoyang ikaw mismo ang nagpasyang ito ay wakasan.
zee Sep 2019
k.
muling nagkasalubong—
nagtagpo sa 'di inaasahang panahon
ang alala ng kahapon at ang ngayon
binati nila ang isa't isa
may konting kamustahan
ngunit 'di na muling babalikan
ngayong naghari na liwanag sa dilim
lahat ng sikreto't mga lihim;
damdaming pilit na kinimkim
ay akin ng itatapon
hindi na muli magtatago sa kulimlim
ng kahapon sapagkat ako'y nakaahon
na sa masalimuot na pangyayari noon
Naaalala ko pa yung araw na maging tayo
Pakiramdam ko noon tumama ako sa lotto,
Yung tipong tila ba’y ayaw kong tayo’y magkalayo
Tapos malingat lang hanap na nang hanap sayo…

Lumipas yung mga araw naguumpisa na ang ating istorya
Istorya na hinubog ng pagsubok at pagtitiwala
Mga tao sa paligid ambag sa kwento natin ay iba-iba
Yung iba nakakatulong, yung iba naman nakakasira…

Umabot sa buwan tayo’y patuloy na tumatatag
Sa kabila ng kaliwa’t kanang problemang sa ati’y hinahapag,
Walang sukuan, alitan natin naaayos natin sa loob ng magdamag
Para sa pangakong relasyon natin na sinuma’y di kayang matibag…

Taon na ang binibilang panibagong kabatana nanaman,
Kahit mas tumindi ang bagyo, kaya natin lagpasan…
Kahit minsan, mabigat na, patuloy parin lumalaban
Mga binuo nating pangarap di natin binitawan…

Tumagal pa at tumatagal mas minamahal pa kita
Mas may ngiti at tawanan mapapansin sa ating pagsasama
Ang alitan at problema parang sa ati’y wala na,
Dahil mas malaki na ang tiwala natin sa isa’t-isa…

Patuloy na binibilang at pinagtitibay ng panahon
Pagmamahalan nating di kayang sirain ng bagyo o alon,
Ang pangakong pag-ibig na walang kondisyon,
Ating ipinaglalaban at ipaglalaban KAHAPON, BUKAS, NGAYON!

©2017 John Vincent Obiena. All rights reserved.
Isang tula patungkol sa pagsasama at relasyon namin ng aking kasintahan, mulas sa aming pinagdaanan at sa tibay ng aming pakikipaglaban...

— The End —