Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Eugene Feb 2016
Ikaw ang dahilan ng aking pagngiti,
Ikaw ang dahilan ng aking paghikbi,
Ikaw ang dahilan ng aking pagtitili,
Dahil ikaw para sa aki'y natatangi.

Ikaw ang tanglaw sa aking mga gabi,
Ikaw ang liwanag sa araw kong hinahabi,
Ikaw ang apoy sa basa kong kapote,
At gamot sa sakit kong nangangati.


Nawa'y maibigan mo, itong aking katha,
Tulang alay ko sa isang tulad **** makata,
Na walang mintis sa pagsulat ng mga tula,
At binibigkas ng buong puso't kaluluwa.


Ang tula ko ay ikaw, ang tula mo ay ako.
Hindi kita ipagpapalit sa kahit na sino.
Sapagkat puso ko ay kinulong at binihag mo,
Sinelyuhan ng sobrang pagmamahal na higit pa sa inakala ko.
Eugene Feb 2016
Pagmasdan mo ang paligid,
Andaming puso ang umaaligid,
Iba't ibang hugis sa himpapawid,
Sa lupa'y nagkalat saan mang gilid.


Kakaunti lang ang sariwa,
Kapiranggot lang ang kinaya,
Upang iniirog ay matuwa,
At hindi makalimutan ang tumawa.


Ngunit, bakit plastik ay nagkalat,
Hugis rosas man o pusong salat,
Ang makikita **** nilalamat,
Hindi kaya ang iba'y maalat?


Kung ang puso ay para sa Pebrero,
Bakit isang araw lang ginawa ito?
Hindi ba dapat  araw-arawin mo?
Ang mahalin ang lahat ng mahal mo.

— The End —