Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
kingjay Dec 2018
Ang panggagaway ay sinukat na plano
Nadinig ang umanas na demonyo
Marahil di itinadhana
Patawarin sana ang kaluluwa na binahiran ng tintang itim

Nanawagan sa iba't-ibang uri ng engkanto
Sila'y maging alipin
Lumagablab ang raya
Naupod parang sigaro ang katinuan
Walang sumansala sa hangad

Lumapit na  ang liyag
Tulala habang bumalisbis ang luha
Dinukot ang puso niya't nilunok
Mamamatay kung hindi maaangkin

Ang nag-udyok ay ang nilalaman ng diwa
para tumahi ng isang hiraya
Sapagkat di maipahayag nang harap harapan
kaya ang hinanakit ang naghari sa gitna ng pagsinta

Pinalipad gaya ng saranggola
Ang guryon ay mahigpit na tinalian
Sa kalaunan, napugto ang sinulid
Nakalaya sa pagkabigkis
Elizabeth Nov 2015
marami- rami akong di gusto sa aking sarili. Mga mata ko'y mahapdi, nagmamasid kahit na ba'y nakapupuwing

dumarami ang mga araw,
dumarami ang mga gabi-
dumidilim ang mga panaginip,
mga engkanto'y nananabik,
natututunang sa mundong ito,
marahil ako'y hindi sabik.

mga boses ng tao ay humihina,
palayo nang palayo-
mga mukha ng tao,
palabo nang palabo.
nararamdaman kong sumisikip ang aking isipan, paunti ng paunti ang mg nilalang na nasisilayan.

may mga araw na nais kong mawala na tila hangin,malimit **** maisip, ngunit dama mo ang hagip.

may mga araw na nais kong tumakbo na tila oras, madalas kung habulin, pero ni minsa'y hindi makaiiwas.

sana ay hindi nalang nabuo ang salitang sikreto,baka sakaling ako'y matuwa sa aking anino.

mga alaalang pilit na humihiyaw, matagal nang nagtago-
panay ang katok sa nakabukas kong kuwarto.

*Tao po! Tao po!
HYA  Oct 2017
Lumayo Sa Panganib!
HYA Oct 2017
Mahal, lumayo ka sa kanya
Siya ay mapanganib at maaari ka niyang saktan
Mahal,  huwag kang manatili sa kaniya
Sapagkat siya ang engkanto sa masamang halaman

Huwag.  Dito ka muna.  Dito ka lang.  
Mahal, sasama ka ba sa katulad niyang hibang?
Takpan ang mga mata. Huwag kang lalayo.
Hintayin natin ang pagdating ng mga santo sa pinto.
Ngumiti ka. Ngunit sa akin lamang.  
Ako ay matamis habang siya ay matabang.  

Mahal, manatili ka sa aking tabi
Ilapat mo parati sa'kin ang malumanay na labi
Ang mga braso, sa akin lamang nakayakap
Siya ang apoy at ako ang ulap

Sa akin,  hindi ka masasaktan
Pangako,  hindi kita iiwanan
Basta't manatili ka sa aking kiliran
Hindi ka na mag-iisa kailanman

Ngunit,  kung lahat ng ito'y susuruin
Baka mawalan na ako ng lakas upang ika'y patahanin
Kung pagmamasdan mo nang maigi ang mga mata kong madilim
Malalaman mo ang aking nililihim

Mahirap.  Mahirap talaga.  
Ngunit ako lamang ang iyong pag-asa.
Mamili ka, siya o ako?
Ipaalam mo sa akin kung saan ako tatayo
Sa impyerno ba na aking kinagisnan
O sa langit na para sa'kiy di pangkaraniwan

Ako man o siya,
Wala kang kawala
Sa lugar na maaraw o sa liblib
Kalimutan **** ako ang mismong panganib.
Magandang buhay sa mga taong may buhay!
Mula sa higanteng alpombrang balot
Bumuhos ang walong henerasyon halos
Ng karit, palay, tagtuyot, unos
Martilyo, pako, pagpapakaputa sa utos!
Aba, hindi pangako ng sistema ang presensya ni Hesus!

Sa madilim na purgatoryo ng impiyerno at kalangitan,
Sa mahiwagang pagitan ng lunsuran at lansangan
Nagka-prusisyon ang dibinong Toledong bayan
‘Pagkat naipasalangit na
Ang Multo/Kapre/Bal-bal/Berberoka/
Aswang/Mangkukulam/Agta/Santelmo/
Batibat/Berbalang/Bungisngis/Diwata
Na sumiil sa banal na pook ng Toledo.

Pitu-pituhan ang naging palitan
Sa pagbuhat sa bangkay ni Rodiano Abduhan.
“Dito ako sa ulo.” “Pasmado ka ba? Larga na!”
Padulas-dulas ang kapit, sumisilip na ang paa
At sa bawat yapak, bumuhos ang patak
Ng dugong pesante sa sagradong Toledong lupa.

Rodiano Abduhan, mas kilala bilang Tatay Godong
Manggagamot, tagalunas ng salot, kampon ng Diyos,
Ika ng iilang nagpatingin sa mahiwagang tatang,
Pero manyak, magnanakaw, aswang, mangkukulam
Kamo ng nagmula sa abang Toledong bayan.
‘Pagkat ang pugad niya’y sa kanayunan, sa kalaliman, sa kaibuturan,
Ng mailap na lansangang ng Diyos tinalikuran.

Kaya nang ang taumbaya’y nakabatid
Na lumubha ang sakit ng pamangking si Adring,
At na natagpuang bukbukin ang bangkay ni Celine,
Kaniya-kaniyang satsat, sitsit, at hirit
Ang kumapal sa amihan ng Toledong hangin.

“Mangkukulam! Heto yung bumati sa Adring kong pamangkin!”
Kaya ng taumbaya’y binatikos at siniraan sa lihim
Sa walwal o gimik, pagkalaklak ng gin.

“Berbalang! ‘Di ka umawat hanggang naubos ang dugo!”
Kaya’t nang-imprinta ang madla ng mga galos abot sa buto
Tatak Cebu! Tatak lungsod ng Toledo!

“Aswang! Luwal ng putang nakunan!”
Kung kaya’t naisama rin ang anak ni Abduhan
Sa kawawang listahan ng mapapaslang.

Biro mo! Ang manggagawa ng himala
Natamaan ng sumbi ng masaklap na realidad!
Ay, hindi makaliligtas ang dukha
Sa kamandag ng pader ng matayog na siyudad!

Pero nang maabot ang mapanglaw na kremahan,
Ang mailap na lubid ng buhay at kamatayan
Ni Rodiano Abduhan, aswang at mangkukulam,
Ng dugong maliliwat ay tuluyan siyang naubusan.
Maputla niyang balat, sa abong langit ay umagpang.
Inaakit ng lagay na hamak na sa wakas ay tumahan.
Pero nang maunawaan niya na sa kaniyang kamatayan
Mapupuksa ang kasarinlan at kalayaan,
‘Pagkat siya ang sisidlan ng dugong maglilinang,
Kampeon ng kanayunan, hari ng himagsikan,

Nasapian ni Lazaro.
Nabuhay.
Natauhan.

Magsasaka, mangingisda, labandera, gerilya.
Artista, mayora, tindera, tsismosa.
Karpintero, ****, kutsero, kaminero.
Abugado, inhinyero, piloto, maestro.
Ninais ng lungsod ang pagsapit ng mundo
Sa mahinhing mundo ng mga diwata’t engkanto.
Oo lang nang oo, bawal mangontrabida,
Kaya kung gusto nila ng Multo/Kapre/Bal-bal/Berberoka
Ano pang magagawa kundi patabain ang mataba?

So natunaw ang pintura
Ng nagbabalat na ngang dingding
Nabawian ng Sol at Luna
Ang kalangitang sadya nang makulimlim
Ang basang semento ay nauhaw
At naging nagbabantang lamig.

Mula sa naagnas na kabaong sa hukay lumaya
Ang mga magsasaka, mangingisda, labandera, gerilya
Ang mga Batibat/Berbalang/Bungisngis/Diwata.
Mula sa abo sa loob ng saro nagka-anyo
Ang mga karpintero, ****, kutsero, kaminero
Ang mga Aswang/Mangkukulam/Agta/Santelmo.

Tsaka humayo’t bumulong kay Abduhan
Nang siya’y mailatag sa loob ng makinarya.
Tsaka niya nagunita ang anak at asawa
Nombrado na atang manananggal at tiyanak.
At ang bawat katiting na patak ng dugo
Na hinayaan niyang umagos, bumuhos, tumulo
Sa lupang Toledo, lupa ng berdugo’t demonyo.
Doon niya nabatid kung saan totoong nagmula
Ang mga Multo/Kapre/Bal-bal/Berberoka,
Aswang/Mangkukulam/Agta/Santelmo,
Batibat/Berbalang/Bungisngis/Diwata.

At doon nabuhay ang Santelmo ng Toledo;
Nang umalpas mula sa crematorium si Rodiano Abduhan,
‘Di na mas hahaba ang buhok, at nakatatak ang pangalan
Sa kaniyang mga galos at sugat, habang
Noo’y banig ang balot, ngayo’y apoy na bagong silang.
At nang nadaanan niya ang mga balintataw
Ng mayayamang poong siya mismo ang nakapukaw,
Nabatid niya kung bakit kailangan ng Toledo ng isang halimaw.
ive never written in such an aboveboard style aint proud of this **** lol
Jun Lit  Aug 2019
Molawin
Jun Lit Aug 2019
bukal na buhay, dalisay, malamig
agos ng pag-ibig
ni Mariang Makiling
mula sa kanyang dibdib

duyan ni Rana
nagpapatulog kay Troides
ipinaghehele si Buot
sa harana nina Balikasyaw at Tariktik
pook-sayawan ng mga bayawak
tuwing konsiyerto ng mga paagang
at mga kuliglig

ninuno ng Lawa
ina ng kapa-kapa
ama ni Strongylodon
kapatid ng tibig at lipa
among tunay ng kawayang-tinik
uway, gugo, saging na pula
Aristolochia

Kagalang-galang kay El Niño
kinakanti-kanti ni La Niña
paliguan ng mamang hubo
labahan ng aling maganda

naglalaro
ang batang takot sa engkanto –
bingwit, tampisaw, lukso
sa mga bato

subalit
ang polusyon –
tahimik na namamaybay
isang almuranin –
mabalasik
ang kamandag
nakalalason, nakamamatay
sapagkat
mga tao’y nagbubulag-bulagan,
bulag.
English Translation:
Molawin

a living spring, pure, cool,
flow of love
from the *****
of Maria of Makiling

cradle of the frog Rana
puts the birdwing butterfly Troides to sleep
sings lullabies to Buot, the cloud rat
accompanied by serenades from the passerine Balikasyaw
and the hornbill Tariktik.
dance floor of the monitor lizards
every time the cicadas and the crickets
have their concerts

ancestor of the Lake
mother of the magnificent Medinilla
father of the Jade vine Strongylodon
sibling of the riverine fig and the nettle tree
the true lord of the spiny bamboo,
among tunay ng kawayang-tinik
rattan, shampoo liana, red banana
the vine Aristolochia

Respected by El Niño
Tickled by La Niña
bathing place of the naked man
washing area of the pretty woman

there they play
children weary of the forest fairies –
line fishing, treading, hopping
among the boulders

but
pollution –
silently swims with the flows
like the cobra, that there also grows –
potent,
its venom
poisons, kills
because
humans feign blindness,
are blind.

Additional Notes:
Rana, Troides, Strongylodon, Medinilla and Aristolochia are scientific (genus) names of a frog, birdwing butterfly, the Jade vine, a magnificent-flowered shrub at a vine that serves as a butterfly larval host plant, respectively, all found along the areas of Molawin Creek; their use in this poem is an attempt to illustrate the important role of biology in understanding the intricacies, not only of Molawin Creek, but also of the entire Mount Makiling, a forest reserve in the southern part of Luzon Island, The Philippines..
George Andres  Jun 2017
Untitled
George Andres Jun 2017
titingnan ko kung may natira pa rin ba sa latak ng tinta ng 'yong alaala o ipinipilit ko lang na palabasin ang iyong anino sa lahat ng aking nakikita o nadarama.

sana makalimutan na kita, kahit pa mahal kita. sa totoo lang nagtapos ang lahat sa isang pagkakamali: ang iwan ka matapos makahanap ng iba. akala ko masyado na kitang mahal at pagkakataon namang ilaan ko ang pagal kong puso para sa iba, pero hindi 'yon nangyari. bumabalik lamang ako sa'yo sa tuwing nakikita ko ang ngiti nila mula sa'yo, o ang mahahaba **** pilikmata kung nakapikit ang mga mata at tangan ang iyong ulo sa balikat ko.

nagniningning ka kahit madaling araw. ang pagkaway ng buwan sa tuwing titingala ako ang nagkakanlong sa ating mga gunita. ikaw ang nakikita ko sa lahat ng aking mga inibig at susubukang ibigin.  ikaw lang ang kaya kong balikan matapos layuan. ikaw lang.

ikaw lang ang hindi ko kayang hagkan o halikan kahit gusto ko man. nais kong hawakan ang 'yong kamay o hawiin ang mga buhok sa mukha at tuluyan nang halikan
sa noo.
ikaw lang ang kaya kong lubusang mahalin na hindi ko puwedeng gawin, dahil
takot ako.
lumipas na ang maraming taon ngunit nasasakin pa rin ang takot kong 'to. ang sabi nila matatakutin daw ako, oo pero hindi sa multo o engkanto, kung hindi sa pagmamahal na hindi totoo at mabilis maglaho. hindi ganoon ang pag-ibig ko, marahil ang pag-ibig mo, pero natakot din ako sa'yo. dahil gusto mo pang maglaro at malaki na ako para diyan.

ayaw kong maglaro pa ng habulan o mataya-taya.
hindi na ako bata.
tanggalin mo na ang piring sa mata dahil sa hanapan daga, ako lang ang tanging sasalubong sa'yo at magsasabing, "simula't simula pa lang, ako na ang talo, ako na ang taya."
121816

— The End —