they said every author has their muse their wisdom their pen, if you will mine is you and always be you and I am the paper with our memories written all over me now I'm in pieces because memories hurt and the ink spilled over my heart
paalam sa mga alaalang nagtagal paalam sa pagaakalang walang hanggan paalam sa natitirang pagaalangan paalam sa tawang aking nakasanayan paalam sa lungkot na sayo'y nasilayan paalam sa dinulot sayong karamdaman na kahit kailan ay hindi na kaya pang takpan ng kahit ano pang lunas o ng kahit itong ating paalam
ako at ikaw ay parang araw at buwan di kailanman magtatagpo ng madalas ngunit sana malaman **** kahit ang araw at buwan ay minsan ding nagtagpo duyog at habang buhay kong maaalala ang minsang pagdampi ng aking kamay sayo ng ulo mo sa balikat ko matakpan man ng liwanag ang dilim o ng dilim ang liwanag hindi kailanman maalis sa aking alaala ang duyog nating dalawa
kay dami nang salita letra pasadya na ang paksa ay tadhana kung paanong sinira binuo ulit at sinira ngunit binuo ulit nito ang aking buhay parang isang laro na walang nakakaintindi ng panuntunan o meron nga ba parang isang lugar na puro ulan o puro init walang katamtaman dahil hindi nito alam ang salitang katamtaman ang alam lang nito ay pagtagpuin ang mga taong hindi naman pala para sa isa't isa o pagtagpuin sa maling lugar maling oras maling pangyayari maling edad maling sitwasyon dahil hindi nito alam ang salitang katamtaman ang alam nito ay katindihan tindi sa nagmamahalang magkaiba ng relihiyon tindi sa nagmamahalang di mabigyan ng pagkakataon tindi sa nagmamahalang nasayang ang ilang taon tindi sa nagmamahalang bata pa noon tindi sa nagmamahalang di pa alam ang ganitong sitwasyon dahil ang tadhana ay hindi alam ang salitang katamtaman dahil kung alam nya edi sana walang nasayang na mga sana
online ka online ako buong araw ba ulit nating tititigan ang kulay berdeng bilog na para bang tayo'y mga sasasakyan sa harap ng berde ring semaforo dapat ay umusad ngunit nakahinto nagaabang sa pangamba ng banggaan dahil online ka online ako ngunit wala tayong ginagawa
isang linggo na mula noong una mo akong kausapin ulit makalipas ang walong taon kamusta ano na tanda mo pa ba saya sakit lungkot palitan ng alaala na tila ba nakalimutan na pero hindi pa pala dahil sa likod ng mga nakwentong pangyayari ay kabisado pa ang bawat detalye at ngayon isang linggo na mula noong una mo akong kausapin ulit makalipas ang walong taon at ang mas nakapagtataka at ang mas nagpapasakit sa puso kong masakit na ay kung paanong tila mas mabagal ang oras ng isang linggo kaysa sa walong taon
ganon siguro talaga maaring may malimutan kang mga pangyayari ngunit hindi ang maliliit na detalye
kulay ng bimpo amoy ng pabango kung paanong ang kamay mo'y pumulupot sa kamay ko tulo ng luha mo takot sa mata mo mga ngiting minahal ko boses mo at matatamis na mga yakap mo
na bumubuo ng isang malaking pangyayari sa buhay ko ngayon na kada pikit may sakit bawat sambit ng pangalan mo ay may kakabit na pagkasawi
dahil ang mga maliliit na detalyeng ito ay nakatago sa isipan naka ukit sa puso dumadaloy sa dugo at hindi kailanman maalis kahit pa gaano ka liit ang mga detalye