Mahigit pitumpu't limang porsyento Niyurak ng matinding alon Walang awa ang haplos Ang yapos na nakagigimbal Kinitil hindi lamang ang buhay Gayundin ang hanapbuhay.
Ni hindi masisid ang perlas Na ngayong may takip sa ibabaw Nabibilang ang lumalangoy Kaawa-awang gambalain At hablutin sa laot nang walang muang Ngunit anong siyang magiging sapit? Kung sila'y hahayaang hindi nakagapos? At doon sa lambat ay patitiwarakin.
Tinaguriang "No Build Zone" Ngunit naroon nakatirik ang bawat pundasyon Walang opsyon, pagkat ang gobyerno Kaytagal din nang pag-aksyon.
Mula sa libu-libong tirahan sa Tent City Sila'y lilisan patungong Bunk House Transitional Shelter kuno Hanggang sa malipat At magkaroon ng panibagong tirahan.
Doon sa Tacloban, May dalawang daan at apatnapu't anim na tirahan Bagkus ang nakalilim, apat na libong pamilya naman.
Salamat sa mga NGOs Sa 9181 na Bunk House Sa gobyernong dapat na kikilos Kailan ba sisimulan ang pagbabago?
Walong libong pabahay raw ang ginagawa 167 bilyon ang budget, Saan nga ba napunta? Ito ba'y binulsa?
Comprehensive Rehabilitation Plan kung tinagurian Kay bango ng ngalan Bagkus umaalingasaw ang baho Ang kasiraan, ang kawalan ng aksyon Para sa bawat mamamayan.
Sa dakong Guian, Eastern Samar Tatlong daang permanenteng pabahay raw Ngunit ni isang pundasyon ng naturang pabahay Tila naglaho pa rin ni Yolanda At walang bakas na pasisimulan.
Sabi ni Pnoy, malinaw raw ang target Pero hanggang target na mga lang ba? Kailan ba sisimulan ang tuwid na daan? Baka naman baku-bako na Wala man lang pasabi sa kinauukulan.
Kung ang hustisya'y hindi matugunan Sana ang kalamnan ng bawat biktima'y Syang agapang mapunan Kaawa-awa silang naghihikahos.
Ang laki ng tulong ng mga karatig-bansa Ba't tila walang pakialam? Kayong mga nasa trono, Tayuan ang posisyon At serbisyo'y gawin nang totoo.