Papuri at Pagsamba — ‘Yan ang alay ko Sa’yo aking Ama. Dalisay ang ‘Yong Pagsinta, Balewala ang lahat ng mga nagniningning Sa kalangitan, maging sa buong kalawakan.
Ikaw ang Hari at nag-iisa Ka, Wala Kang katulad, Walang kapantay — Ni walang kalaban Pagkat siya’y Iyong tinapakan na, Ginapi ng Iyong kapangyarihan.
Ikaw ang nangingibabaw, Sa puso kong walang ibang hangad Kundi ang Iyong presensya, Ang Iyong kagandahang Balang araw ay masasaksihan ko rin.
Kusa Mo akong binabago Maging ang bawat tibok ng puso ko. Damdamin ko’y higit na sa mundo, At wala akong ibang nasilayang Mas maliwanag pa Sa’yo.
Ang linaw ng Iyong intensyon, Hindi Mo itinago ang Pag-ibig Mo. Na kahit saang lupalop ng mundo, Nahahanap Mo ang puso ko At nakikita Kita — Nang napakaganda.
Kakaibang pakiramdam Na hindi ko naranasan sa iba. Sinasamahan Mo ako, Sinasabayan. Pero nauuna ang Iyong mga hakbang, Ang mga yapak **** Kapayapaan ang hain sa aking pagkauhaw. At Hindi Mo ako binibitawan.
Ikaw ang Aking Ama, At ako ang Iyong anak dahil kay Kristo Hesus, Ang yakap Mo’y sapat sa bawat araw, Ang mga Salita Mo’y lakas ko sa maghapon.
Akala ko nga noon, Sa’yo akong uuwi At Ikaw ang magiging pahinga ko. Pero kahit pala wala pa ako Sa Tahanang sinasabi Mo, Ay nandito Ka na sa akin.
Ginawa **** Tahanan ang puso ko, Na dati ang mundo lamang ang laman. Hindi ka lang isang bisita, Nanirahan ka pa sa Akin Na noong una’y hindi ko maintindihan. At sobra-sobra ang binago Mo Sa loob kong inaanay at inaalikabukan.
Wala na akong nagawa pa, Bumitaw na ako sa mundo, At sinalo Mo ako. Ikaw na ang bahala sa buhay ko. Sa’yo na ‘‘to at sa’yo na ako.