Ilang araw na akong namamahinga At napapaisip ako sa Iyong pagbabalik. Nais ko nang umuwi — Nais ko nang magpasakop sa Liwanag.
Ang mga kapagalan , Ay magiging luma kinabukasan At sa pagsipol ng hanging humihinga sa Lilim Ay mapapawi ang anumang pait Na mitsa ng pagkagunaw ng bawat pananaw.
Hahalik sa Kanyang mga palad Na tila walang ibang iniirog — Walang ibang sandata Kundi ang pamanang Yaman ay matatagpuan sa Kanyang mga Salita.
At walang silid na makakalimot Sa mga burda ng Kanyang pagkalinga. Lilisan at magbabalik — Paparating na Siya.