Hindi inaasahang napadpad ako sa iyong kaharian, Kung saan ako’y pinagsilbihan at inalagaan, At sa bawat minuto na nasa piling mo ako, Tila ba isang panaginip na ayaw kong huminto.
Ngunit mali ‘tong nararamdaman ko, Sandata ko’y hindi kumpleto, Hindi ka nga pala handa’t sigurado, Para ipaglaban yung nararamdaman mo.
Heto ako paulit-ulit na naniniwala, Pilit pa rin na umaasa, Na baka bukas kamay ko’y hawak mo na, Wala ng takot at pangangamba.
Pero kahit ako lang ang lumalaban, Kathang isip lamang ang “tayo” sa aking isipan, Hindi man ako yung prinsesa na para sayo, Mananatili ka sa aking puso, prinsepe ko.