Noong bata pa ako'y Saba-sabay kaming mag-uunahan Sa pagsalubong kay Inay. Yayakap at magmamano sa kanya, Sabay uupo ang nauna sa laylayan ng kanyang palda Habang syang namamahinga sa lumang upuang Yari pa sa Narra.
Ni minsa'y hindi ko naisip Na ang pagkalong ni Inay Ay may katumbas pala sa aking paglaki. Marahil bata pa nga talaga kami noon, At wala kaming ibang inatupag Kundi ang pag-aaral at paglalaro.
Ilang taon na ang lumipas At malapit na rin ang araw Na ako mismo'y lalayag sa sarili kong bangka. At hindi na ito laru-laro lamang, Pagkat sa bawat pasyang aking susuungin Ay iba na ang aking kasama.
Sabi nya nga sa akin, Handa na syang akayin ako. Hindi lamang sa kanyang mga bisig Pero maging mga responsibilidad Na itatangan ng panahon at tadhana sa kanya.
Ganito pala ang pag-ibig, Kung saan handa tayong humakbang nang humakbang pa. Hindi tayo maaaring huminto dahil tayo'y pagod na. At alam ko, sa tamang panaho'y Handa na naming kalungin ang isa't isa.