Nabibilang lamang sa aking mga daliri Ang mga buwan na tiniklupan ng mga ulap Nang sa’king mga bisig, Ang yakap mo’y nagmistulang kumot Sa balat kong sumisigaw sa alat At anghang ng aking pakiramdam.
Sa titig mo’y ako’y nakalilimot Na ang pangalan ko’y nagbagong bihis na rin. At kasabay ng paglilipat silid at bubongan, Ay ang paglisan ko sa unang tahanang Humagkan sa aking pagkakakilanlan At bumuhos sa akin nang di masukat na pagmamahal.
Ang mga ngiti **** pumapawi sa’king paghihintay Sa maghapong masuklian naman Ang pansamantala kong pangungulila’y Nagsisilbing matatamis na tsokolateng Hindi naman pala nakamamatay.
At sa ganitong pagpatak ng mga segundo Na parang mga barya sa alkansya mo, Ang tanging hangad ko na tunay na pag-aaruga’y Iyong pabaon na araw-araw kong sasalubungin at pagbubuksan.
Nakalimutan ko na rin atang humanap pa ng iba Di gaya ng panata ko noon sa mga rehas Kung saan gusto kong kumawala. Pagkat sa’yo pa lamang ay abot-langit na Ang aking mga ngiti’t pagsintang Lulan ng iyong mga hagkan At walang pag-imbot na pag-aalaga’t pagkukusa.
Kung kaya ko lamang pigilan ang sarili Buhat sa pagtikom ng aking bibig Ay nais ko sanang ipagsigawan Sa apat na sulok ng ating tahanan Ang pangalan **** ni minsa’y hindi ko naintindahan.
Bagamat sa bawat pagkilos mo’y Hindi ko maipagkakailang Ako’y tunay mo ngang mahal at pinakaiingatan.
Hindi na ako manlilimos pa, Ng pagmamahal o atensyon sa mga tauhang Lilisan sa kani-kanilang panahon at kagustuhan. At pipiliin kong masanay na makipagsayawan Sa mga mata **** tanging lilim ang laan sa akin.
At kung ito man ang una’t huling sulat Na ikaw mismo ang pumataw ng mga kahulugan Ay hayaan mo ring masambit kong Sa araw-araw, ikaw ang nanaisin ko pang makapiling.