sa mata ng ordinaryong nilalang: sa kalangitan madalas kayong naghahabulan nagtataguan, ng mga liwanag at ng mga nararamdaman. sa malawak na daigdaig, kayo ang nagbibigay liwanag; kayo ang hinahanap, kayo ang kailangan. ang mga bituin ay kumikislap patay sindi, 'di makapirmi ang mga bituin ay madami, 'di nag-iisa, kun'di nagkalat na 'isa', 'di isang buo kun'di isang sansinukob ng: naghalong emosyon, 'di mapiling pagkakakilanlan, daan daang kasinungalingan makapagtago lamang; sa liwanag niya, dahil mas importante siya dahil siya ang iyong tinitingala, isang malaking bolang mainit, nag-aalab, nakakabulag.
isa kang masokista, pinili mo ang mapanakit niyang init. isa kang arsonista, pinili **** makipaglaro sa apoy. 'di ka naman nag-iisa ngunit martyr ako, at ikaw ang pinili ko.
siya si sol, ikaw si luna, ako ang mga bituin,
kayo ang naghahabulan, ako ang kumikislap/ kumukutikutitap/ kumukurap, ako ang nagbubugulan.