Hindi kalayuan ang mga bituin Kung ito’y sagad na susumahin Di hamak na mas mahirap marating Ang pusong hinding hindi mo ma-angkin
Hindi kalayuan ang pangarap Kung ito’y sakdal nasang makaharap Di hamak na mas malayo ang agwat Ng dalawang pusong di magka sabwat
Pangarap kong maisulat kita sa aking mga tula Pangarap ko ring maisulat mo ako sa iyong mga akda Sana’y sing dali tayong maglapit at maglapat Na tulad ng mga papel at kanyang panulat.