Heto na naman ang madaling araw Walang kausap, walang natatanaw Paulit-ulit na ang aking mga sigaw, At ang luhang galing sa aking mata'y umaapaw
Hindi ko alam ang aking gagawin Para sabihin ang aking mga damdamin Aking puso't isipan ba'y susundin? Kahit masalimuot pa ang nakikitang pangitain
Pilit na pinapalakas ang angking kalooban Para tuparin ang maaring nakalaan Sa pag-iirog kong tagal ko nang inaasahan Na ngayo'y pilit kong gustong maintindihan
Pero biglang nawasak ang puso Biglang bumilis ang tibok ng aking pulso Nang sinabi mo ang mga katagang mapanukso Ang mga salitang sinabi mo nang walang tuso
"Lumayo ka" at lumayo nga akong nagdadalamhati Ngayo'y hinahatid ka sa kanyang may ngiti Kahit sobrang sakit na ang aking pighati Magpapakalayo na lamang saiyong ikabubuti