kung hindi ka umalis ikaw sana ang nakasayaw ko ilang oras na pag indayog kahit sumakit pa ang paa ko
hawak ang iyong beywang hawak ang iyong mukha hawak ang iyong kamay hawak ang iyong mundo
dahil kung hindi ka umalis ay ikaw lang ang isasayaw ikaw lang ang magdamag bubulungan ng mga nararamdaman kakantahan kasabay ng mabagal na kanta
ngunit hindi naman din kita masisisi kung bakit ka umalis dahil hindi natin ito kasalanan pero kahit ganon pa man madami sana tayong pagsasamahan kung walang nangyaring iwanan