Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Sep 2019
hindi ko na lalagyan ng title to
para san pa
wala na din naman tayong titulo

Naranasan mo ba ?
Yung biglang may lalabas
Pangalan mula sa nakalipas
Nakakagulat diba

Kasi ang alam mo tapos na
Naka move on ka na
pero heto nanaman ba ?
Babalik ka kasi di ka na masaya sa kanya

Minsan ako'y napapaisip kung ako'y minahal mo,
At lalong kung ang nararamdaman mo ay totoo.
Higit pa nga ito sa iniisip ko.
pero pinutol ko kasi ano na ba tayo?

Alam ko sa sarili kong pampalipas lang ako ng oras mo
Na diyan ako magaling ang maging past time sa tulad mo
Tinanong ko nga sarili ko?
Sino ba talaga ko sayo?

Oo heto tayo naging masaya sa sandaling panahon
pero ako ay unti unti ng bumabangon
subalit nung nagparadam ka na naman
pinaalala mo na naman na dapat wag kitang makalimutan

Sorry na
Eto kasing tulad ko
Naging loyal sa isa
kahit wala na ikaw pa din ang sinisinta

Wag ka magalala
Darating yung panahon na
Masaya na ko sa iba
At kaya ko ng tignan ka sa mata
at ipamukha kung gaano na ako kasaya sa kanya

Siya na nagpapangiti
ng mga panahong sawing sawi
Bumangon ako
Kasama siya na bumuo sa pagkatao ko

Magiging masaya ako kahit wala ka
dahil eto siya
siya na akin talaga
hiiiii
Nichole
Written by
Nichole  16/F/philippines
(16/F/philippines)   
1.0k
 
Please log in to view and add comments on poems