Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jul 2019
Nagdurugo na ang aking gilagid sa paulit-ulit na paghiling na ika’y manatili,
At ikaw naman ay nariyan lamang habang pinapanood ako patayin ang aking sarili.
Dahil sayo, alam ko na kung bakit sinasabi nila na walang pinipili ang pag-ibig,
Pinabayaan kasi kitang ibaon ang iyong matatalim na salita sa aking bibig.
Dahil sayo, nawala na ang inakala kong katotohan,
Ang natira na lamang ay ang sinumulan **** kaguluhan.

Sabi nila, ang nabigo raw ay hindi nagpapabigo ulit,
Edi bakit sandamakmak na ang mga bubog na nagpadugo sa aking gilagid?
Ako naman din ang nagpakaduwag,
Na ang silbi lang ay sumagot sa iyong mga tawag,
Kaya nga siguro hindi ko napansin na nauubos na pala ako—
Na inuubos mo na pala ako.

Tinatanong ko parin ang aking sarili,
Kung bakit hanggang ngayon, ako parin ay nananatili.
Patuloy parin ang gilagid ko’y nagdurugo,
Gaano katagal na lamang bago madudurog ang aking puso?
Written by
Kiara Malig
796
 
Please log in to view and add comments on poems