Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jun 21
Dumudugo—
Sobrang kirot,
Kamay ko'y nasasaktan,
Mahigpit ko pa ring hawak;
Dumudugo—
Sobrang sakit,
Palad ko'y naramdaman,
Tinik sa katawan ng rosas;
Dumudugo—
Sobrang hapdi,
Kamay ko'y patuloy na kumapit,
Ani mo, baka kaya pa
Kaya sa iyo ay patuloy na umaasa.
WizardsPen
Written by
WizardsPen  122/F/Elm Street
(122/F/Elm Street)   
125
 
Please log in to view and add comments on poems