Mga puting haligi saking paligid Puti, puti ang kabaliktaran ng aking isip Mga gamot na parang lason sa aking katawan pumapasok Hindi ginusto aking pwesto Tulong ang aking gusto Sa loob ng kwartong presinto
Naka destino sa labanang di natatapos Mga boses na parang palaso Sa aking kaluluwa ay tumatagos Labanan ng lakas Pisikal o emosyonal Malakas o mahina Walang palag sa dilim na kalaban Na unti unting lumalagot Sa buhay na iyong inabot