Ang hilig mo magbilang eh 'no? Kung ilang beses ako lumalabas Kung ilang bote ang tinutungga ko Kung ilang stick ng yosi ang nagamit ko Kung ilang tao kausap ko Kung ilang bagay ang naitulong ko Kung ilang salapi ang naiaambag ko Kung ilang araw kitang hindi pinapansin Kung ilang oras akong nawawala Kung ilang beses ako nagkakamali
Binibilang mo talaga ang lahat eh 'no? 'Di ka ba nahihirapan? 'Di ka ba nagsasawa?
Samantalang ako, binibilang ko lang 'yong mga panahong pinaramdam **** mahal mo ako, at sa totoo lang di ko na kailangang magbilang-
Dahil alam kong minamahal mo ako simula pa noon hanggang ngayon.