unti-unting dumidilim gabing walang mga bituin. iyong mata'y walang kislap, isip ay nasa alapaap.
kung sakali mang ayaw mo na at 'di ako'ng para sa'yo, wala akong magagawa kung tadhana na ang sumusuko.
kung sakali mang pagod ka na at 'di na 'ko ang 'yong lunas, patawad aking sinta, ayoko man pero pwede na...
pwede ka ng umalis kung 'yun talaga'ng 'yong nais. pero bago ka lumisan mayro'n akong kahilingan...
'wag mo sanang iwanan ang lahat. 'wag sanang kalimutan ang mga alaala nating masaya. 'wag mo sana akong kamuhian dahil sa'king mga pagkukulang. 'di man kayang ibigay ang kalawakan, buong-buong inalay sa'yo ang buwan. 'wag mo sanang bitawan.