Hello PoetryVoting

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

pitong letra

ang huling pagkikita ay hindi mo man lang napansin. minsan kang nasilayan sa ilalim ng mga bituin. ilang buwan naghangad na ika'y makapiling; kailan ka kaya mapapasaakin? ang nais ko lang naman ay magkakilanlan - magkita, magka-usap, maging magkaibigan. limutin mo na ang iyong nakaraan, gawing ako ang iyong kanlungan. sa bawat gabi na ika'y pinapakinggan, pagsidhi ng damdamin ay 'di maungusan; sakit at pagod ay maiibsan kung hanggang sa pagtulog ay ikaw ang pinagmamasdan. pagmamasdan ang mga matang hapo, ang mga gitarang sira ang capo, ang amoy ng kape mula sa hininga mo, pati ang paghilik mong nasa tono. ang iyong damit na babad sa pawis, at ang iyong sapatos na kumikinang sa kinis; kung sa umaga'y bubungad ang ngiti mong kay tamis ay hindi ko kailanman gugustuhing umalis. at sa lahat-lahat ng kaya kong ilista, habang ang lapis sa papel ay nabubura na; sisimulan ko sa pangalan mong may pitong letra hanggang sa kung paano ka tumatawa. isusunod ko ang mga singsing sa iyong daliri, habang ang buhok mo'y hindi na mahawi. sa bawat galaw mong aking tinatangi, at ang ala-ala mo'y patuloy na mananatili pagkarupok ng puso ay lalong sumisidhi. kapag ika'y nakikita, kulang nalang ay tumili, maraming nagtataka kung bakit ikaw ang napili, ngunit mahal, alam kong hindi ako nagkamali. ang pagmamahal kong lubus-lubusan, tila apoy na sinilaban; sa'yo inialay ang bawat laban, ngunit umuuwi akong laging luhaan. kung gaano ko man gawing mahaba ang tulang ito, mayroong ibang nagsusulat para sa'yo. kahit ipilit ko pang gandahan ito - hindi ko matutumbasan ang gawa ng nanalo. at kahit magbilang pa ako ng bawat patak ng ulan, na maaari namang bilangin nalang kung ilang beses akong luhaan; dahil sa katotohanang hindi ako ang lulan ng puso mong kay sarap sanang gawing tahanan. oo, alam ko. hindi ako nagkamali. dahil patuloy akong magmamahal kahit sa iba pa ako maitali; patuloy kitang sisintahin sa bawat gabi na ika'y natatanaw mula sa aking mga hikbi. aking sinta, ikaw ang aking mundo, mabura man ng hangin itong monologo, mabaliktad man ito ay hindi magbabago, at kung mangyari'y sana'y ako na ang iyo.
Request permission to use this poem
Written by
heyastrid
22 / F / PH
For You?
Written by
heyastrid
22 / F / PH
Published
Feb 22, 2018
Lines·Words
64·351
Tags
#filipino#romance#sawi#tagalog
Permission

Request to use this poem

Tell heyastrid how you would like to use it. We review requests before forwarding them.

AboutBlogFAQPrivacyTermsContact
© 2009-2026 Hello Poetry/v27.0 by @eliotyork
Explore
Hello PoetryVoting
Write