Hello PoetryVoting

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsListsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsListsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

ADRIAN

by HAN1004

Kamusta kana? Ilang taon na ang nagdaan nuong ika'y aking nakilala. Mahigit kumulang na rin ang luhang lumabas sa aking mga mata Nuong ako'y iniwan mong nag-iisa. Nuon pag ika'y naaalala nagwawala dahil sa nadarama. Ngayon ako'y napapangiti na lamang sa twina. Akala ko dati ay di ko makakaya, ngunit heto unting unting sumasaya kahit wala ka. Mahirap sa umipsa, Pero nakaya Mahirap sa umpisa, oo Parang nilibing at hinampas ng troso. Ako'y litong lito hindi alam kung bakit ganito Kung bat nilisan mo... "Sana pala pinigilan kita para ngayon para ika'y kasama parin at nasa tabi ko padin." Yan ang aking hiling sa unang linggong ika'y hindi kapiling. Ako'y humihiling sa bituin na sana ika'y bumalik sa akin Ngunit tila ba'y hangin ang sumagot at hindi ako pinansin. Mahal wag mag-alala kasi kaya ko na ang mag-isa at wala ka. Mas malakas na ako kaysa sa dating nakilala mo. Hindi na ako umiiyak pagnag-iisa Mas kaya ko na. Alam mo minsan ang ang tanong sa sarili ko "paano kaya ikaw parin ay nandito?" "Magiging kompleto kaya ang araw ko?" Pero ang sagot ng isip at puso "Mas mabuting ika'y nilisan kaysa minahal sa kasinungalingan. Naging malakas ka nang ikaw ay iniwan. Naging makata ka paminsan minsan." Kaya alam ko sa sarili na mas maayos na na ako'y iyong binabayaan Pero mas masaya at buo parin ang aking puso kong hindi mo iniwan sa kadiliman. Sana, iyong malaman na ika'y aking minahal ng lubusan, "Huwag mong pabayaan ang iyong kalusugan" Aking huling habilin bago ka lumisan. Tinanong ko parin ang aking sarili minsan, "Ako ba'y may pagkukulang? O sadyang ako lang ang nagmahal sa aming pag-iibigan?" Maraming tanong ang tumatakbo sa aking isipan pag alaala ay naalala paminsan-minsan. Ngunit lahat ng yon ay di mo masasagot at aking  na lamang dinagdag sa tulaan. Lahat na ata'y aking nakwento sa tulang ito. Ito, itong tula na ito ang tanging paraan upang malaman mo Ang pagdurusang pinagdaanan ko nang mawala ka sa piling ko. Ang mga pangakong binitawan mo para bang naglaho Pero kahit masakit ang ginawa mo Hindi kita masisisi sa pagkukulang nagawa ko Hindi ko masisi ang tadhana kung hindi tayo para sa dulo. Kahit na ganito, ikaw ang nagparamdaman ng pagmamahal Kaya hindi ko kita malimut-limutan kahit tila ba'y ako ay sinasakal. Sadyang ikaw lamang ay minahal kahit na isang malaking sampal na ako'y iyong iniwang luhaan at puso'y nagdurugo sa daan na kahit pa'y ikaw ay may iba ng mahal kahit pa na naubusan na ang luha at letra sa aking isipan. At heto ako ipinagdiriwang ang ating kaarawan kung saan nagsimula ang ating pagmamahalan. Sana'y iyong malaman, na ako'y hindi nakakalimot sa ating tagpuan at mga kasiyahan. Sana rin iyong malaman, ang pangalan ng ating anghel ay Adrian.
Request permission to use this poem
Written by
HAN1004
For You?
Written by
HAN1004
Published
Oct 6, 2018
Time
4m
Tags
#filipino#tula#poem#spokenpoetry#poetry#tulaan#thoughts#love#pangungulila#pagmamahal
Permission

Request to use this poem

Tell HAN1004 how you would like to use it. We review requests before forwarding them.

AboutBlogSupportFAQPrivacyTermsContact
© 2009-2026 Hello Poetry/v27.0 [production] by @eliotyork
Explore
Hello PoetryVoting
Write