Gusto ko simulan ang tulang ito sa tanong na "kamusta kana?" Kamusta na ang taong minahal ko ng sobra pa sa sobra Naging malungkot kaba nung ako'y nawala? O naging masaya dahil wala na ako sa tabi mo sinta
Nagbabaliktanaw ako sa mga ala-ala noon na ating binuo Naging masaya naman tayo Kaya di ko alam anong dahilan mo para mag bago Para masaktan mo ako ng ganito Para iparamdam mo sa'kin na hindi ako kawalan mo Para ipamukha mo sa'kin na wala na talagang TAYO At ngayon napaisip ako kaya ka pala nagbago kasi may bago na palang nagpapatibok ng puso mo
Di ko mapigilan hindi magalit Di ko mapigilan na hidi masaktan Di ko mapigilan na lumuha hanggat gabi patungong umaga Di ko mapigilan na tanggapin na ako nalang yung naiwang tanga Tanga na umaasa na magkabalikan pa tayong dalawa Umaasa at nagmamakaawa "Pakiusap mahal, usap tayo. Ayusin natin to" Pero sarili ko lang pala ang niloloko ko Kasi nakikita na kitang palayo at hindi na maaabot Nakikita na kitang naglalakad kasama siya habang puso ko'y kumikirot
Kaya sa huling pagkakataon Binalikan ko ang dati nating tagpuan Nagbabasakali na ikaw ay madatnan Pero namulat ako sa realidad na may mga bagay palang di na pwede maging katotohanan Kaya heto nagbaliktanaw nalang ako sa mga magandang ala-ala na akin paring hinahawakan Kasabay ng pag-agos ng alon ay ang pag-agos ng luhang nagasasabing kailangan ko na 'tong bitawan
Kaya ngayon tatahak nalang ako ng ibang landas Maglalakad ako, pilitin na ang mga nangyari sa'ting dalawa ay maya-maya ay kukupas Maglalakad ako, habang wala ka na sa tabi ko, yung taong minahal ko ng wagas Maglalakad ako, maglalakad ako PeroΒ Β lilingon parin ako at makikita ko ang iyong mga bakas Bakas na patunay na ikaw ay naging totoo At hindi panaginip na nilikha ng imahinasyon ko Na merong ikaw na pansamantalang minahal ako Merong ikaw na minsan ay ginawa kong mundo Merong ikaw na tinanggap ng buong-buo at Merong ako na sinubukang lumaban pero sa huli meron paring ikaw na bumitaw nalang ng bigla-biglaan
Hanggang ngayon naglalakad parin ako dala-dala ang katangang "Pinagtagpo pero di tinadhana" Yan nga siguro kasi ang kwento nating dalawa Ang mga landas natin na wari'y nagkita, Ngunit hindi inalaan para magkasama. Maglalakad ako, hanggang sa malimutan na kita mahal ko