Hihintayin pa ba natin Na ang langit ay matakpan ng mga kulay abo na alapaap Na pinaghalong mga usok ng bomba At mga ulap na nagdadala ng mabigat na bagyo?
Hihitayin pa ba natin Na mawala ang buhay ng isang inosenteng sibilyan Sa ngalan ng isang lalake sa kataas-taasan ng kalawakan Na hindi naman natin tiyak kung tayo ba’y binabantayan pa?
Hihintayin pa ba natin Ang pag-hiyaw ng milyong-milyong mga mamayanan Ang hiyaw na nagdadala ng kanilang takot Na tila ba’y parang kampana ng simbahan Pinipilit tayong tumayo at bumangon na
Hihitayin pa ba natin Ang pagmamakaawa ng isang burgis na artista Na ang tingin lang sa atin ay mga tseke at barya?
Hihintayin pa ba natin Ang pag-tahimik sa atin ng mga lalakeng naka-itim Sumisigaw at nananakot Sa ngalan ng maitim na propaganda?
O hihintayin na lang natin Na gawing tayong manhid Sa bilang ng tatlo Habang tayo’y tinututukan ng kailbre kwarenta y kwatro?
a little piece i made just to reflect what is happening in marawi and the world.