buhay natin ay ano nga ba? kung walang lagyo ang musika kagaya ng isang A capella ang bawat simula ay may kataposan ngunit sa bawat kataposan ay may panibagong simulain isang prinsipyo na di kayang tuldokan isang nakaraan na di mapaparam sapagkat ito ay binantasan ng tandang pandamdam! kaya naman halina kayo SAGLIT samahan ako sa pasakalye ng aking DALIT dahil tulad ninyo...di ko rin nais na wakasan itong himno ng aking kaluluwa na di ko mapigilan mailapat sa papel ng aking hapag sulatan at marubdob na papangyarihin ang taos-pusong koalisyon ng aking Pag-asa, Pananampalataya at Debosyon sa pamamagitan ng aking Isang Libo't isang Awit na pinapag-sanib ng samot-saring kudlit at kuwit hanggang sa aking maabot ang liwanag sa dilim at kayo ay aking handogan bago ang takip-silim
What ever happens.... I will continue what i have been started and what i haven't yet! What i am trying to say is... " some have some while some have no that's why for those who have most- this one is also for all of you! " because for me your Poetry is my Music!