IKAW Yung salitang gusto kong balik-balikan Yung salitang di ko magawang punitin sa isipan Yung salitang laging natatandaan At yung salitang sana -- Sana'y pangwalang hanggan.
IKAW Yung bukas na sasalubungin ko Yung bukas na yayakapin ko Yung bukas na ayoko nang sayangin pa At yung bukas na ayoko nang lisanin pa.
IKAW Yung mahal na pag-iipunan ko Yung mahal na pagsisikapan kong abutin Yung mahal na pagtatayaan ko Yung mahal na mas pahahalagahan ko At yung mahal na sana'y -- **Sana'y manatali, mahuli man ang dating ko.