Una, dahil ikaw ay nangako Sabi mo walang hanggan pero bakit may dulo? Ang pangarap nati'y hindi dapat mawala Pangalawa, dahil sa bawat pagpikit ng mga mata Ikaw ang unang nakikita Ang mga alaala ng iyong magandang mukha ang muling nasisilayan Pangatlo, dahil ikaw ang laman ng bawat hiling ko Sa bawat 11:11 na dumating ay ikaw ang hinihiling Na sana'y muling mapasaakin Pang apat, hindi na kita bibitawan. Panglima, dahil sa bawat araw na wala ka ay parang mga gabing walang tala Walang ilaw, walang ganda Pang anim, dahil kasabay ng pagkawala mo ay ang pagkawala ng langit na dahilan ng pagngiti. Ang langit na minsan kong nilipad kasama ka. Pang pito, alam **** seryoso ako Seryoso ako pagdating sayo, sa atin. Sa mga bagay na sinasabi ko kaya ito ang Pang walo, ayoko na ng laro Hindi ako magaling maglaro Hindi ko na kayang makipagsabayan sa mga laro mo dahil alam kong talo na ko Talo ako sa lahat pagdating sayo. Pang siyam, nandito lang ako. Naghihintay, nag aabang, ni hindi makausad Sa sulok. Pira-piraso nagdurugo Nagiintay na pulutin mo ang mga bubog Nagiintay na bumalik ka sa bisig ko. Pang sampu, balikan mo ako dahil mahal kita Oo, mahal pa rin kita Mula sa mga bubog ng nabasag kong puso Ikaw parin ang nilalaman nito Ayoko sa ng iba Kaya mahal, Bumalik ka na