Umakyat ako, masilip Ka lang. At habang umaakyat ako, Nagtitimpla ako ng mga salita -- Sa isip ko, pinagmamasdan Kita At lalo akong nabibighani Sayo.
Magkahalong kaba at takot -- Kabang harapin Ka at takot Na hindi kita masilayang muli. At pag nahulog ako, Kahit pa sa tingin ko'y napakalayo Mo; Sana'y masalo Mo pa rin ako.
"Ang ganda Mo," Sana nga ihipan ng hangin ang bawat kataga. Nagliliwanag Ka, lantad ang kagandahan Mo.
Aakyat akong muli, Yung mas mataas, yung mas nakakapagod. Alam kong di kita kayang abutin, Pero sapat na saking magtagpo tayo.