Kaibigan, Hindi ka ba nagsasawa? Sa pagkapit sa isang relasyong ikaw nalang ang may sandata? At ang tanging kalaban ay ang taong ipinaglalaban; Ipinipilit manalo sa digmaan na kung saan lahat ay talunanβ At ang pagkapanalo ay makakamit sa pamamagitan lamang ng pagsuko. Kaibigan, Itigil mo na ang iyong kalbaryo. Itaas mo na ang puting bandila, Bitiwan mo na ang iyong sandata, Dahil ang rason ng iyong paglaban ay sinukuan ka na.