Ilang buwan na ang lumipas, Ngunit bakit ganoon ang puso ko patuloy parin kumakaripas, Ang iyong matamis na ngiti, Sa mga tingin mo palang alam kong hindi ako makaka-hindi.
Mga alaala na bumabalik, Sa mga yakap at halik mo ako'y nasasabik, Nakakatawa dahil sa bawat sulok ika'y naririnig, Boses **** nakakaakit at sobrang lamig,
Hindi ko maiwasan hindi maging malungkot, Siguro dahil sa sakit na naidulot, Pero okay lang, dahil tapos na akong umiyak, Tapos na ako sayo at dito ako'y tiyak.
Salamat nga pala sa lahat ng iyong nagawa, Siguro nga kung hindi ka nagsawa, Nakagapos parin ako sa iyong mga pekeng pangako, Gabi gabi parin nararamdaman na para akong nakaloob sa sako.
Grabe pala ang aking naranasan ng dahil sa pag-ibig, Gusto ko magmura at gusto ko iyong marinig, Puta, nag-iwan ka ng lamat sa aking mga kamay, Gago, dahil ang puso ko muntikan mo nang mapatay.