MAKATA ang lenggwahe ng pusong umiibig, MAKATA ang katauhang ikinubli ang malasakit, MAKATA ang kasarinlang may dalisay na panalangin.
Patungo sa may lalang na may misteryong grasya, Kanyang isasakatuparan ang mistulang imposibleng eskima -- MAKA-DIYOS ang MAKATA.
Para sa pahalang na pakikitungo Sa madlang baluti'y maskarang may bahid na kayumanggi -- MAKATAO, siyang daing ng MAKATA.
Sa Perlas ng Silanganang winawagayway ang bandila, At sa udyok ng romantikong lupaing sinilangan -- MAKABAYAN ang pagpili ng MAKATA.
Heto ako't kumakatok sayong pintuang walang susi, Pagkat kandado mo'y makasarili sa'king galak na pagbati. Ikaw ang simbolo ng kabuuan ng pag-ibig na hinaharana, Habang ako ang pariwarang napuno ng "baka sakali," o Sinta -- MAKA-TAYO ang MAKATAng may puso.