Ramdam ko ang pagkauhaw mo Ngunit sa aking pagdating, Huli na pala ang lahat Wala man lamang paalala Na bilang na rin ang araw.
Ako'y lutang sa pagtangay mo ng lahat, Sayang ang panahon, Sayang ang paghahanda ng sarili. Hindi ka nagsabi, **huli na pala talaga.
Minsan, sinasadya nating magbagong-bihis, bagkus ibabalik rin ang lumang istilo. Minsan, nasasayang ang panahon pagkat hindi natin batid ang tamang pagkakataon.