Sabi nila ngayon ay buwan ng mga makata, mga matatalinhagang salita, mga boses na nilikha Ako ay umaasang batiin mo, sapagkat ang aking mga tula ay bakas ng iyong paglaho
Wakas.
Maraming sulat na pinadala, sa mga taong hindi kilala, nagbabakasakali lamang ako, na magkamaling sulatan ka 1700
Alala ko pa ang mga araw, na ikay pinagmamasdan, sapagkat ika'y isang gantimpala na hindi ko makakamtan
Marahil ako lamang ang naniwala, marahil ako lamang ang saksi, marahil nga'y binuo ka lamang sa aking guni guni
Sabi na nga ba! Ako ay kulang, tila rosas na binili lamang sa daan, mula sa batang walang mapagbigyan, ako'y napagdiskitahan
lilipas ang araw matutulog ang gabi
Dahan dahan akong inikot, binuhol nang binuhol, magaantay na lamang sa aking pagsibol bukas, makalawa *Ako ngayo'y rosas na sa iba
This poem was inspired by the dried up roses I have in my room. I was amazed on how beautiful and alive they still seem.