Ba't naantig ang puso? Sa ngiti **** walang pasubali. Ba't pagsilip ang tugon? Bagamat palpak itong pag-ibig, Maling panimpla ng pag-ibig!
Sana'y maplantsa ko ang nakakunot **** noo, Sana'y masalo ko ang ngiting sa iba ang tapon, Sana'y mahawakan ko ang puso **** moog, Sana, sana, bagkus ito'y nakatikom.
Minsan, sana'y hindi nalang nagtapo, Minsan, sana'y hindi nalang nagpaubaya, Minsan, sana'y kinitil ang tibok.
Ako'y haliging hinampas mo ng maso, Konkretong biniak-biak, Ilaw na pinatay-sindi't naging pundido. Ako'y halamang binunot, Telang pinunit at sinunog, Papel na ginupit-gupit -- * Ang saya'y* naging sanay Hanggang maging **sayang.