Gumawa ka ng makasaysayan sa iyong buhay na ito'y hinding hindi mo makakalimutan Sa tuwing babalikan mo ito ay maging parte ng iyong buhay. Mga ala-alang dinggin, hiling na sa tuwing maririnig mo ang mga salita at emosyong nakabalot sa iba't ibang panig ng daigdig. Maglakad ka, maglagkbay hanggang sa dalhin ka ng iyong mga paa Sa bawat litrato o lugar na iyong mapupuntahan. Maglista ka! Ipunin ang lahat ng masasayang bagay, tao, lugar, pagkain at kung anu-ano Mga karanasang nais **** gawin habang bata pa! gawin mo ang nais ipahiwatig ng damdamin, puso at buong pagkatao Hanggang sa ito'y masaktan, masugatan, malunod sa nag-uumapaw na kasayahan. Walang humpay na inaasam, kamitin ang nais marating. Hanggang nasa iyong mga palad na ito. At habang nariyan pa, huwag na huwag **** kalimutang ipalaganap ang mga mensaheng dapat pakawalan. Huwag igapos dahil ito'y wawasak din sa iyong panahon.
Got inspired to write this one tonight. But I'll try to translate this in English on my free time & I haven't decided yet for the title of this poem.
P.S. just a draft. I'm gonna add some more of this since it was a quick poem that I've done.