Minsan gusto **** makalaya; Malaya sa mapanghusgang lipunan, Malaya sa mundong masyadong Magulo at maingay para sa isip **** Litong-lito kung ano ba talaga ang dapat. Ano ba ang mali? Ano ba ang tama?
Minsan gusto **** mag-isa; Malayo sa ideolohiyang malabo, Malayo sa punyetang gulo ng Lugar na masalimuot. Doon sa eskinitang masikip na halos Nagtipon ang dumi at kalawang Na hindi na pinapansin.
Kasi madumi. Kasi makalawang. Kasi walang silbi. Kasi hinusgahan.
Gusto **** makaalis. Gusto **** pumiglas Sa mga kadenang ginagapos Ang nagdurugo at sugatan **** Katawan na ang tanging nais lang ay makalaya.
Gusto **** tumakbo. Gusto **** tumakas, Kahit sinasabi nila na hindi iyon ang sagot; at hindi iyon ang dapat. Bakit? Bakit kailangang laging sundin? Bakit kailangang laging paalipin?
Ang sikip sa dibdib lalo na't Alam **** wala kang kayang gawin. Lalo na't alam **** palaman ka lang Sa sistemang paikot-ikot ng walang tigil. Hilong-hilo ka na sa mga kagaguhang Nais nilang iguhit sa iyong kapalaran. Hindi mo na masikmura ang pait at Walang saysay na pagiintay sa pinangako nilang katahimikan; kapayapaan ng iyong isipan.
Itinatanong mo, bakit di ko harapin? Bakit laging pagtakas ang gusto kong suungin? Hindi ko din alam gaya nang hindi mo pagintindi sa akin. Pagod na pagod na akong mag-isip. Alam ko naman, palagi akong mali. Palagi akong masama. Palagi akong walang silbi.
Kasi nahusgahan.. Dahil sa isang mali. Dahil sa isang baluktot na desisyon, Hindi mo na naalalang, tao rin ako. May puso. May pakiramdam. Nasasaktan.
Gusto kong lumayo. Gusto kong umalis. Gusto kong lumaya. Patuloy na lumaya. Sobrang pasakit dahil alam ko na sobra akong pabigat.
Sana bumalik nalang ako sa pagiging tuldok. Para kahit anong pangungusap na masakit ang maririnig ko, matatapos ito. At hindi na kailanman babalik. Tuldok. Babalik ako sa pagiging tuldok dahil magulo.
It's still more surreal when you write in your first language haha the feelings is there