Parang ulan na pumapatak, Mga luha sa iyong mata'y tagaktak, Gusto ko man itong punasan, Dahil ikaw ay sinaktan, Sa taong pinili mo, Akala mo'y hindi ka iiwan.
Minsan ikaw'y lumapit sa akin, Tinanong kung anong tingin, Sa babae sa malayo nakaupo, Na tila diwata sa iyong puso.
Pinilit ko ngumiti, Tinago ng pilit, Mga luha nagbabantang mahulog, Dahil ang puso ko'y nadurog.
Umaasa isang araw ako'y masilayan, Kahit kaunti sulyap lang ako'y maliligahayan, Ngunit tila totoo nga, Ang sinabi ng matatanda, "Kung para sa'yo iha, ito'y kusang lalapit."
Kaya ngyon akin mahal, Ikaw'y aking iiwan, Pupunta sa kawalan, Kung saan ang puso ko'y doon daan, Para mahanap ang tunay na ligaya, Sa piling ng iba.